Pagsasaayos ng mga infrastructure projects sa bayan ng Kabacan, nagpapatuloy; iba pang mga proyekto, inilatag ng MPDC
Tatapusin ng Local Government Unit ng Kabacan ang mga nasimulan ng pagsasaayos ng mga drainage canal sa USM Avenue at Bonifacio Street ayon sa Municipal Planning and Development Center o MPDC.
Sa kasalukuyan ay sinisimulan naman ng LGU ang pagsesemento sa mga daanan sa Kabacan Terminal Complex sa Barangay Kayaga at ang konstruksiyon nito.
Liban sa mga proyektong ito na pinopondohan ng Kabacan LGU, ayon sa mga municipal planning and development officers na mayroon pa umanong mga proyektong pang-imprastraktura ang malapit nang simulan.
Isa na umano rito ang konstruksiyon ng mga solar dryer na may kasamang warehouse na ihahandog sa walong mga napiling barangay ng Kabacan. Ang mga barangay na ito ay ang mga sumusunod: Katidtuan, Kayaga, Kilagasan, Malamote, Bannawag, Malanduage, Salapungan at Sanggadong.
Popondohan umano ng World Bank, Department of Agriculture, at ng LGU sa pamamagitan ng MRDP- APL2-RI o ang tinatawag na Mindanao Rural Development Program- Adoptable Loan Round 2 para sa Rural Infrastructure.
Mayroon din umanong mga proyekto ang Kabacan sa pakikipagtulungan ng lalawigan ng North Cotabato. Ang buwan ng Marso umano ay nakalaan para tapusin ang gravelling at maintenance ng farm to market roads at provincial roads sa nasabing bayan.
Ani ng MPDC, kung matatapos umano ang proyektong ito na hindi pa naaabot ang deadline sa huling araw ng Marso ay pasisimulan nila ang pagsasaayos naman ng mga municipal at barangay roads.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento