Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Talent Night ng Search for the Mutya ng NotCot 2015 ngayong gabi na

AMAS, Kidapawan City (Aug 21) – Gaganapin na mamayang gabi ang inaabangang Talent Night ng Search for the Mutya ng North Cotabato 2015. Ito ay sa Kabacan Municipal Gym, Kabacan, Cotabato kung saan alas-singko pa lang ng hapon ay sisimulan na ang aktibidad. Ayon kay 2nd District of Cot Board Member Airene Claire Pagal, Chairman ng Committee of the Search for Mutya ng Not Cot 2015, handang-handa na ang lahat para sa Talent Night matapos ang halos...

Mahigit 700 jobseekers dumagsa sa 2-day Job Fair ng Provincial Government of Cotabato

AMAS, Kidapawan City (Aug 21) – Abot sa 761 ang kabuuang bilang ng mga jobseekers o mga aplikante para sa iba’t-ibang trabaho sa katatapos lamang na Job Fair 2015 na isinagawa ng Provincial Human Resource and Management Office o PHRMO ng Provincial Government of Cotabato mula Aug 19-20, 2015. Ayon kay Aurora Garcia, PHRMO Head, unang araw pa lamang ng job fair ay nakapagtala sila ng 564 applicants habang sa ikalawang araw ay 197 applicants...

3-anyos na bata patay, 3 pa na kapatid na-ospital sa kinaing kamoteng kahoy sa bayan ng Pikit

(Pikit, North Cotabato/ August 21, 2015) ---Patay ang isang 3 taong gulang na bata habang ospital naman ang binagsakan ng tatlo pa nitong kapatid matapos na malason sa kinaing nilagang kamoteng kahoy sa kanilang bahay sa Sitio Lebanon sa Barangay Gli Gli, bayan ng Pikit, North Cotabato, ayon sa ulat kahapon. Sa impormasyong nakarating kay P/Insp. Sindato Karim, hepe ng Pikit PNP, kinilala ang namatay na bata na si Mama Payag Patuloy namang...

Mga nagparehistro ng Biometrics sa Comelec Kabacan, hindi pa nangangalahati

(Kabacan, North Cotabato/ August 21, 2015) ---Abot pa lamang sa mahigit 250 katao ang nakaparehistro ng kanilang biometrics sa Comelec Kabacan simula noong buwan ng Mayo ngayong taong 2015. Nabatid na noong buwan ng Mayo ay abot sa mahigit 3 libung mga botante ang nanganganib na matanggal sa listahan ng Comelec Kabacan dahil sa walang mga biometrics ang mga it...

Special Training for Employment Program ilulunsad ng TESDA sa PPALMA area

(Midsayap, North Cotabato/ August 20, 2015) ---Isasagawa ang general orientation para sa mga benepisyaryo ng Special Training for Employment Program o STEP para sa taong ito. Pangungunahan ito ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA North Cotabato Field Office. Alas nuwebe ng umaga magsisimula ang programa sa Kapayapaan Hall ng Opisina ni Cong. Jesus Sacdalan sa Poblacion 8, Midsayap, North Cotabat...

Kauna-unahang Bb. Kalikasan sa Kidapawan City, kinoronahan

(Kidapawan City/ August 20, 2015) ---Kinoronahan bilang Bb. Kalikasan 2015 si Joyleen Hebron ng NDKC na nakatanggap ng 20,000 pesos at 125,000 na 1 year life Insurance mula sa M’ Lhuilier. Base naman sa naging resulta, nasungkit ni  Joyleen Hebron ng NDKC ang darling of the press, best in production number, best in  creative indigenous attire at best in modern long gown. Nakuha naman ni Shaira Pontines  ng USM KCC ang Ms. Friendship,...

Suportang pang-edukasyon at kalusugan ipinamahagi sa mga benepisyaryo ng PAMANA- MNLF

(Midsayap, North Cotabtao/ August 20, 2015) ---PINANGUNAHAN ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPAPP ang pamamahagi ng suportang pang- edukasyon at kalusugan para sa mga dependents ng Moro National Liberation Front o MNLF members dito lalawigan ng North Cotabato. Ipinamahagi ang PhilHealth Cards, Member Data Records o MDR, at Notice of Scholarship Grant sa mga benepisyaryo ng Payapa at Masaganang Pamayanan o PAMANA...

Timpupo Festival ng Kidapawan City, dinagsa

(Kidapawan City/ August 20, 2015) ---Kahit hindi umano holiday sa Kidapawan City ay dinagsa ng mga tao ang nagpapatuloy na Timpupo Festival sa Kidapawan City. Ito ang nabatid mula kay Kidapawan City Tourism Officer Joey Recimillia sa panayam ng DXVL News Team.   Sa katunayan ay sa loob lamang ng 3 oras, ay halos maubos ang lahat ng mga panindang prutas sa Fruit Pavillion kahapo...

7 patay sa Dengue sa North Cotabato

(North Cotabato/ August 20, 2015) ---Pito katao ang nasawi sa sakit na dengue sa lalawigan ng North Cotabato, ayon sa ulat kahapon. Ito ang napag-alaman mula sa data na inilabas ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit o PESU mula buwan ng Enero hanggang Hulyo ngayong tao...

“Kabacan Sentro ng Ekonomiya at Sentro ng Edukasyon” ---Cong. Ping Ping Tejada

Kabacan sentro ng negosyo at sentro ng edukasyon. Ito ang sinabi ni Cong. Jose "Ping Ping" Tejada Representante ng 3rd District ng North Cotabato sa Kongreso sa kanyang mensahe sa pagdalo niya sa 68th Founding Anniversary ng bayan ng Kabacan, kahapon. Ayon sa mambabatas ang gumagandang peace and order umano ang isa sa dahilan kung bakit marami sa mga negosyante ang nagnanais na maglagak ng kanilang puhunan sa bayan ng Kabacan. Sinabi...

22-anyos na lalaki, huli sa illegal drugs sa Matalam, Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ August 19, 2015) ---Arestado ng mga otoridad ang isang 22-anyos na lalaki makaraang mahulihan ng illegal drugs sa Purok 1 Brgy. Kilada sa bayan ng Matalam, North Cotabato alas 5:30 kahapon ng hapon. Kinilala ni PCI Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang suspek na si Esmael Lala Lumambas, 22-anyos residente ng Purok Islam, Poblacion ng nasbaing baya...

P2.6M na Coaster, nai-turn-over sa LGU Kabacan ng Provincial Government

(Kabacan, North Cotabato/ August 19, 2015) ---Naging pambungad ni Gov. Lala Taliño Mendoza ang pagturn-over ng isang P2.6M na halaga ng coaster. Ito ayon sa Gobernadora sa kanyang naging mensahe sa pagtatapos ng pagdiriwang ng ika 68 taong pagkakatatag ng bayan ng Kabacan matapos itong naging panauhing pandangal. Anya, ito ay isang 21 seater na maliit na bus nq kulay milky brown. Maari umano itong gamitin ng LGU, at iba pang mga sektor...

Miyembro ng Bayan Muna partylist, pinagbabaril patay

Photo Courtesy From: A. Francisco FB (Arakan, North Cotabato/ August 18, 2015) ---Bulagta ang isang miyembro ng Bayan Muna Partylist makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa Brgy. Naje bayan ng Arakan, North Cotabato alas 9:15 kaninang umaga. Kinilala ni Cotabato Police Provincial Office Spokesperson PCI Bernard Tayong ang biktima na si Joel Hernal Gulmatico, 58-anyos at residente ng nabanggit na luga...

Suspected Carnapper, na nag-AWOL sa hanay ng PNP; tiklo ng mga otoridad sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 18, 2015) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang suspected carnapper makaraang mahuli habang sakay sa pampasaherong Van sa National Highway, Kabacan, Cotabato kahapon ng umaga. Kinilala ng Kabacan PNP ang suspek na si Abdulembran Usop y Onatan, 36-anyos, may asawa at residente ng Datu Piang, Maguindanao. Batay sa ulat pwersahan umanong tinangay ng suspek ang isang Trisikad na nakaparada sa harap ng bahay...

Kalivungan Festival 2015 umarangkada na

AMAS, Kidapawan City (Aug 18) – Pormal ng nagsimula ang kaliwa’t-kanang aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ng Kalivungan Festival 2015 at sa nalalapit na ika-101 Founding Anniversary ng lalawigan ng Cotabato sa September 1, 2015. Katunayan, nitong nakalipas na buwan ng Hulyo ay inumpisahan na ang Lawn Tennis Mindanao Open sa Munisipiyo ng Midsayap at Kidapawan City (July 18-Aug 23) na sinundan ng 5th Gov Lala Inter-LGU Sports Competition sa Provincial...

Sagupaan ng MILF sa Sultan Kudarat, 8 katao patay

(Sultan Kudarat/ August 17, 2015) --- Sumampa na sa walao katao ang naiulat na namatay sa nangyaring engkwntro ng dalawang field commanders ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa probinsya ng Sultan Kudarat, ayon sa report kahapon. Ayon sa ulat mula sa Sultan Kudarat PNP Provincial Office, nagkasagupa ang grupo nila Kumander Binago at Kumander Andy ng MILF sa Barangay Napnapan, Palimbang, Sultan Kudara...

Mayor Guzman, nanawagan sa Poblacion Council na asikasuhin kaagad ang reconnections ng mga street lights

(Kabacan, North Cotabato/ August 17, 2015) ---Nanawagan si Kabacan Mayor Herlo “Jojo” Guzman Jr. sa Brgy. Poblacion Council ng bayan na asikasuhin kaagad ang pagpapa-reconect ng linya ng street lights sa Brgy. Poblacion ng Kabacan. Ito ang inihayag ng alkalde sa kanyang programang Unlad Kabacan sa DXVL tuwing araw ng Sabad...

Pananambang sa isang Mister sa bayan ng Antipas, patuloy na iniimbestigahan

(Antipas, North Cotabato/ August 17, 2015) ---Sugatan ang isang lalaki matapos mabiktima ng ambush sa Purok 7, Brgy. New Pontevedra, Antipas, Cotabato noong Biyernes alas tres ng hapon. Kinilala ni PSI Andres Sumugat Jr. hepe ng Antipas PNP ang biktima na si Elizar Pelacio Omega, 36 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Canaan, Antipas, Cotabato. Sa inisyal na imbestigasyon ng Antipas PNP pauwi ang biktima matapos bumisita sa farm nito...

Kapagayan Festival 2015 HPG Shoot Cup PPSA Level 1 sanctioned match matagumpay na nagtapos

(Kabacan, North Cotabato/ August 17, 2015) ---Matagumpay na nagtapos ang 2 araw na Kapagayan Festival 2015 Mayor Herlo Guzman Jr. HPG Shoot Cup PPSA Level 1 sanctioned match na ginanap sa USM firing range sa USM, Kabacan, Cotabato. Champion sa Open Division si Mayor Datu Ohto Montawal, Standard Division Champion Jordan Berguia, 1st Runner Up naman si Lt. Lenard Lopez, Classic Division Champion Alvin Halangdon at 1st Runner Up naman si Jison...

Ilang mga residente sa Pikit, cotabato; unti-unti nang nabigyan ng tulong matapos na mawasak ang kabahayan sa nagdaang kalamidad

(Pikit, Cotabato/ August 17, 2015) ---Mahigit isandaang bahay ang sinira ng malakas na hangin sa 3 baranggay sa bayan ng Pikit, Cotabato kamakalawa. Sa panayam ng DXVL news kay Pikit MDRRM Head Tahira Kalantongan, inihayag nitong sa Brgy. Punol 141 na kabayahan ang sinira ng malakas na hangin, 2 madrasah at isang semi-concrete na moske. Sa Brgy. Pamalian naman ay walong bahay ang nasira at 2 sa Brgy. Manaulanan. Dagdag pa ni Kalantongan...

Kabacan Pilot Central School at Kabacan National High School kampeon sa magkahiwalay na kategorya ng Drum and Lyre Corps Competition

Photo: Roderick Bautista  (Kabacan, North Cotabato/ August 17, 2015) ---Nagtagisan ng galing ng galing sa pagtugtog ng instrumento at pagsayaw ang kabataang Kabakenyos sa  2015 Kapagayan Festival Drum and Lyre Corps Competition na idinaos nitong weekend sa Kabacan Municipal Plaza. Grand Champion sa elementary level ang  Kabacan Pilot Central School, 2nd Place ang USM Elementary Annex at 3rd Place naman ang Kabacan Wesleyan Academy Sa...

August 18, 2015, deklaradong Special Day sa bayan ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 17, 2015) ---Ideneklara ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., sa pamamagitan ng Executive Order No. 2015-11 na Special Day (Non-working) sa bayan ng Kabacan bukas, August 18, 2015. Ito para mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng Kabakeños na maipagdiwang bukas ang ika-68 taong pagkakatatag ng bayan ng Kabacan. Kaugnay nito, hinikayat ng Pamahalaang Lokal ang lahat ng mga publiko, pribado at mga business establishment...

Sahod ng mga guro sa SUCs, tataasan sa susunod na taon

(Kidapawan City/ August 17, 2015) ---Ilalarga na ng Commission on Higher Education o CHED ang salary rate adjustment ng mga guro sa State Universities and Colleges o SUCs sa susunod na taon. Ito ang sinabi ni Rep. Roman Romulo, chairman ng Committee on Higher  and Technical Education sa kanyang pagdalo ngayong araw sa 48th Founding Anniversary ng Cotabato Foundation College of Science and Technology o CFCST sa Doruloman, Arakan, Cotabato. Giit...