(North Cotabato/ August 20, 2015) ---Pito
katao ang nasawi sa sakit na dengue sa lalawigan ng North Cotabato, ayon sa
ulat kahapon.
Ito ang napag-alaman mula sa data na
inilabas ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit o PESU mula buwan ng
Enero hanggang Hulyo ngayong taon.
Sa nasabing bilang 3 sa mga napaulat na
namatay ay buhat sa bayan ng Alamada, 1 sa bayan ng Aleosan, 1 sa bayan ng
Carmen, 1 sa Libungan at 1 din sa Midsayap.
Nasa 1,545 na kaso ng dengue ang naitala ng
PESU kungsaan mas mataas ito 92 posiento kung ihahambing sa kaparehong panahon
noong nakaraang taon.
Ayon kay IPHO Head Dra. Eva Rabaya ang bayan
ng Midsayap ang may pinakamataas na kaso ng dengue kungsaan nakapagtala ng 275,
sinundan ng bayan ng Tulunan 208 at Kidapawan city na may 185. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento