(Midsayap,
North Cotabato/ August 20, 2015) ---Isasagawa ang general orientation para sa
mga benepisyaryo ng Special Training for Employment Program o STEP para sa
taong ito.
Pangungunahan
ito ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA North Cotabato
Field Office.
Alas
nuwebe ng umaga magsisimula ang programa sa Kapayapaan Hall ng Opisina ni Cong.
Jesus Sacdalan sa Poblacion 8, Midsayap, North Cotabato.
Inaasahan
ang pagdating ng humigit kumulang 200 mga benepisyrayo mula sa iba’t- ibang
bayan ng PPALMA area.
Kabilang
sa mga pagsasanay na pakikinabangan ng mga benepisyaryo ay nakatutok sa sector
ng metals and engineering, construction, automotive, electronics, food
processing agriculture health, social and community development services.
Ayon
kay STEP Focal Person Frank Beltran, ipapamahagi rin nila ang certificates of
training, tool kits, at allowances ng mga grumadweyt sa STEP noong nakaraang
taon. Roderick
Rivera Bautista
0 comments:
Mag-post ng isang Komento