Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kabacan Pilot Central School at Kabacan National High School kampeon sa magkahiwalay na kategorya ng Drum and Lyre Corps Competition

Photo: Roderick Bautista 
(Kabacan, North Cotabato/ August 17, 2015) ---Nagtagisan ng galing ng galing sa pagtugtog ng instrumento at pagsayaw ang kabataang Kabakenyos sa  2015 Kapagayan Festival Drum and Lyre Corps Competition na idinaos nitong weekend sa Kabacan Municipal Plaza.

Grand Champion sa elementary level ang  Kabacan Pilot Central School, 2nd Place ang USM Elementary Annex at 3rd Place naman ang Kabacan Wesleyan Academy
Sa secondary level category naman ay inuwi ng Kabacan National High School Drum and Lyre Corps ang champion trophy, 2nd place ang  Kabacan Wesleyan Academy at 3rd Place ang Saint Luke’s Institute.

Dahil sa napagandang presentasyon at aktibong partisipasyon ng mga kabataan ay dinagdagan ng lokal na pamahalaan ng kabacan ang papremyo sa Drum and Lyre Corps Competition na lubos naming ikinatuwa ng mga kalahok.

Sa kanyang mensahe ay sinabi ni Kabacan Mayor Herlo Guzman na sinisikap ng lokal na pamahalaan na maging mahusay upang lalo pang mapaunlad ang bayan ng Kabacan.

Kamakailan lamang ay itinanghal na Top 4 Most Competitive Municipality ang bayan ng Kabacan sa buong Pilipinas. Roderick Rivera Bautista


0 comments:

Mag-post ng isang Komento