AMAS, Kidapawan City (Aug 18) – Pormal ng
nagsimula ang kaliwa’t-kanang aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ng Kalivungan
Festival 2015 at sa nalalapit na ika-101 Founding Anniversary ng lalawigan ng
Cotabato sa September 1, 2015.
Katunayan, nitong
nakalipas na buwan ng Hulyo ay inumpisahan na ang Lawn Tennis Mindanao Open sa
Munisipiyo ng Midsayap at Kidapawan City (July 18-Aug 23) na sinundan ng 5th
Gov Lala Inter-LGU Sports Competition sa Provincial Sports Complex, Amas,
Kidapawan City (July 29-Aug 5).
Kasalukuyan namang
ginaganap ngayon ang Gov Lala Taliño-Mendoza Kick Off Drugs Karatedo Tournament
sa Antipas Municipal Gym, Antipas (Aug 15-16) at susundan ito ng Gov Lala
Taliño-Mendoza Job Fair 2015 sa Provincial Capitol Rooftop (Aug 19-20).
Ayon kay Gov Emmylou
“Lala” J. Taliño-Mendoza, ang Kalivungan Festival ay isang natatanging panahon
kung kalian espesyal na ipinakikita at ipinagdiriwang ng mga Cotabateños ang
kanilang pagkakaisa at pag-uunawaan sa kabila ng iba’t-ibang kultura,
tradisyon, paniniwala at relihiyon.
Tulad ng ng kanyang
ipinag-utos sa nakaraang mga taon, farm-out o nakakalat sa iba’t-ibang
munisipyo ang mga aktibidad kaugnay ng Kalivungan Festival upang mas malawak
ang partisipasyon ng mamamayan at mas maramdaman nila ang diwa ng kapistahan.
Ang iba pang mga
sports, cultural at paligsahan ay kinabibilangan ng Gov Lala Inter-Collegiate
Sports Competition sa Provincial Sports Complex (Aug 17-19); Invitational
Boxing Open sa Alamada Municipal Gym (Aug 20-22); Provincial Meet sa Provincial
Sports Complex (Aug 20-22); Search for Mutya ng North Cot Talent Presentation
sa Kabacan Municipal Gym (Aug 21) at Grand Pageant Night sa Kidapawan City Gym
(Aug 26); National Mountain Bike Challenge sa Aleosan (Aug 22-23); 5th
Gov Lala Taliño-Mendoza “Lumba-anay sa Salbabida” sa Alamada (Aug 22-23);
Taekwondo Mindanao Open sa Colegio de Kidapawan (Aug 22-23); Provincial Skills
Competition sa Midsayap (Aug 24); Mindanao Open Bowling Tournament sa Kidapawan
City (Aug 24-31) at 5th Gov Lala Taliño-Mendoza “Lumba sa Pulangi”
sa Carmen (Aug 25).
Dagdag pa rito ang
Gov Lala Inter-Agency Sports Competition sa Provincial Sports Complex (Aug
25-27); Laro ng Lahi sa Provincial Sports Complex (Aug 26); Kapagana Festival
(Kulintangan at Sipa sa Mangis) sa Pikit (Aug 26); Kavurunan sa Aleosan (Aug
27-29); Thanksgiving Ceremony sa Provincial Pavilion o The Basket, Capitol
Grounds (Aug 28); Market-Market sa Kapitolyo/Cotabato Agro-Fair/Tourism and
Trade Expo -Opening Day sa Provincial Pavilion (Aug 28) at exhibit (Aug 28-Sep
1); Micro-Small and Medium Enterprises (MSME) and Cooperative exhibit (Aug
28-Sep 1).
Tampok rin ang
Awards Day sa Provincial Gym (Aug 28); Kalivungan 2015 Basketball Open sa
Midsayap Gym (Aug 28-30); National Open Table Tennis Tournament sa Makilala
(Aug 28-30); 5th Gov Lala Taliño-Mendoza Open Dart Tournament sa
Makilala (Aug 28-30); Provincial Age Group Chess Tournament sa Provincial
Sports Complex (Aug 28-30); Musical Street Parade – Drum and Lyre Corps
Competition sa Provincial Ground (Aug 29) at National Motocross Competition sa
Midsayap (Aug 29).
Di rin pahuhuli ang
6th Gov Lala Taliño-Mendoza Cup 2015 (Level 2 Shoot fest) sa PNP
Shooting Range, Amas (Aug 29-30); Mindanao Open Swimming sa Kabacan (Aug
29-30); 3rd Gov Lala Taliño-Mendoza Mt. Apo Extreme Challenge sa KMM
Eco-Tourism Triangle (Aug 29-30); 5th Gov Lala Open Badminton
Tournament sa Kidapawan City (Aug
29-30); Family Day sa Provincial Gym (Aug 30); Himig, Sayaw at Musikahan sa
Provincial Gym (Aug 31); Gawad Dangal ng Cotabato sa Provincial Gym (Aug 31);
Kalivungan Street Dancing and Showdown at Kumbira sa Kapitolyo sa Provincial
Ground (Sep 1).
Kaugnay nito,
nananawagan si Gov Taliño-Mendoza sa mamamayan na makiisa sa pagdiriwang at
panatilihin ang diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan.
Tema ng Kalivungan
Festival 2015 ay “Sa Kapayapaan at Pagkakaisa, Kaunlara’y Natatamasa”. (JIMMY STA. CRUZ-PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento