Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pananambang sa isang Mister sa bayan ng Antipas, patuloy na iniimbestigahan

(Antipas, North Cotabato/ August 17, 2015) ---Sugatan ang isang lalaki matapos mabiktima ng ambush sa Purok 7, Brgy. New Pontevedra, Antipas, Cotabato noong Biyernes alas tres ng hapon.

Kinilala ni PSI Andres Sumugat Jr. hepe ng Antipas PNP ang biktima na si Elizar Pelacio Omega, 36 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Canaan, Antipas, Cotabato.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Antipas PNP pauwi ang biktima matapos bumisita sa farm nito sakay ng kanyang D4D Hi-lux na may plaka numero AFA 5693 nang ambushin ito ng  di nakilalang suspek.


Nagtamo ng sugat ang biktima sa ibat ibang bahagi ng katawan ngunit nagawa pa nitong makapagmaneho at humingi ng tulong sa Pedregosa Compound sa Brgy. Poblacion.

Kaagad namang isinugod si Omega sa Antipas Medical Specialist ngunit kalaunan ay inilipat sa pagamutan sa Kidapawan City.

Nakuha naman sa pinangyarihan ng isidente ang 21 basyo ng calibre 5.56. Samatala, sa pina-igting na hot pursuit operation ng Antipas PNP sa pangunguna ni COP Sumugat Jr. nahuli ang suspek alas 3:45 ng hapon na kinilalang si Ephraem Vicente Penoy, 40 anyos, may asawa at residente  ng Brgy. Poblacion, Antipas.

Nakumpiska sa suspek ang 1 back pack kulay itim cammelback brand, 1 unit ng calibre .45 na pistol na may serial number 1189997 na naglalaman ng 1 magasin at 8 na bala, 2 unit ng 30 round empty long magasin, 1 unit 30 round long magasin na may 27 na bala ng calibre 5.56, 1 unit 20 round short magasin na may 19 na bala ng calibre 5.56, 1 unit 20 round short magasin na may 14 na bala ng calibre 5.56 at 2 unit ng cellphone.


Nasa kustodiya na ngayon ng Antipas PNP ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa rito at nasa kustodiya din ng kapulisan ang Toyota hi-lux ng biktima. Christine Limos

0 comments:

Mag-post ng isang Komento