Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

P2.6M na Coaster, nai-turn-over sa LGU Kabacan ng Provincial Government

(Kabacan, North Cotabato/ August 19, 2015) ---Naging pambungad ni Gov. Lala Taliño Mendoza ang pagturn-over ng isang P2.6M na halaga ng coaster.

Ito ayon sa Gobernadora sa kanyang naging mensahe sa pagtatapos ng pagdiriwang ng ika 68 taong pagkakatatag ng bayan ng Kabacan matapos itong naging panauhing pandangal.

Anya, ito ay isang 21 seater na maliit na bus nq kulay milky brown.

Maari umano itong gamitin ng LGU, at iba pang mga sektor basta ito ay gagamitin lamang sa opisyal na lakad.


Kasama ng gobernadora si Department of General Services Head George Silva sa pagturn-over.

Ito ay sa ilalim ng serbisyong totoo program ng Provincial Government.

Liban pa rito ay ibinalita rin ni Gov. Lala ang magandang balita para sa mga senior Citizens kahapon.

Ito ay ang pagdating ng mga pangmaintenance na gamot para sa mga ito mula sa National Government.

3 klase umano ito at ang isa ay ang pangmaintenance para sa highblood.

Inihayag ng opisyal na darating ang nasabing mga gamot sa buwan ng Nobyembre ngayong taon.

Sa ngayon ay patuloy umano ang ginagawang pangangalap ng listahan ng RHU at mga BHW sa lahat ng mga senior Citizens sa kanilang nasasakupan.

Nagsinula umano ang pangangalap mula ngayong buwan hanggang buwan ng Oktubre ngayong taon.

Inihayag ng opisyal na ang mabibihyan lamang ng mga gamot ay ang mga senior citizens na kasali sa listahan na makakalap ng RHU at mga BHW.

Maari umanong makuha ang mga gamot sa mga RHU at mga Health Centers.

Ito ay sa ilalim ng daang matuwid program ni PNOY dagdag pa niya.

napupunta lang umano kasi sa maintance na gamot ng mga senior citizens ang nga pension na nakukuha ng mga nito.

ito ay programa ng National Government at ng Department og Health. Mark Anthony Pispis


0 comments:

Mag-post ng isang Komento