(Kidapawan City/ August 17, 2015) ---Ilalarga
na ng Commission on Higher Education o CHED ang salary rate adjustment ng mga
guro sa State Universities and Colleges o SUCs sa susunod na taon.
Ito ang sinabi ni Rep. Roman Romulo,
chairman ng Committee on Higher and
Technical Education sa kanyang pagdalo ngayong araw sa 48th Founding
Anniversary ng Cotabato Foundation College of Science and Technology o CFCST sa
Doruloman, Arakan, Cotabato.
Giit pa ni Romulo na nakapaglaan na
sila ng P1.3 Bilyong pondo mula sa Department of Budget and Management na
aprubado na para sa karagdagang sweldo ng mga guro sa 112 mga pampublikong
paaralan sa kolehiyo at unibersidad.
Maliban dito, labin limang libung
plantilla position rin ang kanilang bubuksan para sa mga contract of service at
mga dating guro para magkaroon na ng item sa susunod na taon.
Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos
na ilang dekada na rin umano na hindi nabisita ang NBC 461, ang basehan ng
pagtataas ng sweldo ng mga guro sa mga state run universities and colleges.
Karamihan sa mga mabibigyan nito ay
ang mga guro sa Visayas at Mindanao, pahayag pa ng congressman.
Kaugnay nito, naipasa rin ng opisyal
ang ilang mga mahahalagang bill na kanyang na-isponsoran sa mababang kapulungan
ng kongreso kagaya ng: Iskolar ng Bayan, Open Learning Distance Act.,
Ladderized Education Act., UNIFAST; Voluntary Student Act at Campus Safety and
Security Act.
Ang mga graduate ng high school na
top ten ay automatikong pasok sa Scholar ng bayan kungsaan libre lahat ang
matrikula kung ito ay mag-aaral ng mga kolehiyo o unibersidad na pinapatakbo ng
pamahalaan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento