Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

August 18, 2015, deklaradong Special Day sa bayan ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 17, 2015) ---Ideneklara ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., sa pamamagitan ng Executive Order No. 2015-11 na Special Day (Non-working) sa bayan ng Kabacan bukas, August 18, 2015.

Ito para mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng Kabakeños na maipagdiwang bukas ang ika-68 taong pagkakatatag ng bayan ng Kabacan.

Kaugnay nito, hinikayat ng Pamahalaang Lokal ang lahat ng mga publiko, pribado at mga business establishment sa bayan ng Kabacan na sumali at makiisa sa nasabing aktibidad.

Kabilang sa mga aktibidad ngayong araw naman ay ang Burn the Floor Season 4 (HipHop) Competition alas 8:00 hanggang alas 4:00 mamayang hapon at ang Konsiyerto sa Plaza ng Cueshe.

Bukas naman aabangan ang Grand Parade alas 6:00 ng umaga na magsisismula sa KPCS at susundan ng Anniversary Program alas 8:00 ng umaga kungsaan si Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Talino Mendoza ang panauhing tagapagsalita.

Tema ng aktibidad ngayong taon ay "Progresibong Kabacan at 68". Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento