Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Talent Night ng Search for the Mutya ng NotCot 2015 ngayong gabi na

AMAS, Kidapawan City (Aug 21) – Gaganapin na mamayang gabi ang inaabangang Talent Night ng Search for the Mutya ng North Cotabato 2015.

Ito ay sa Kabacan Municipal Gym, Kabacan, Cotabato kung saan alas-singko pa lang ng hapon ay sisimulan na ang aktibidad.

Ayon kay 2nd District of Cot Board Member Airene Claire Pagal, Chairman ng Committee of the Search for Mutya ng Not Cot 2015, handang-handa na ang lahat para sa Talent Night matapos ang halos isang buwang preparasyon ng 12 mga kandidata ganundin ang iba pang mga kailangan tulad ng make-over ng gym, seguridad at iba pa.

Sinabi ni BM Pagal na bilang bahagi ng Kalivungan Festival at sa nalalapit na 101 founding anniversary ng Lalawigan ng Cotabato sa Sep 1, 2015, malaki ang partisipasyon at papel ng mga kandidata ng Mutya ng Cot 2015 sa pagsulong ng turismo ganundin sa adhikaing mapalaganap ang kapayapaan sa lalawigan.

Kabilang sa 12 naggagandahang kandidata sina Resa Me Caluna ng Aleosan, Jeanbeth Sedavia ng Midsayap, Odessa Le Macapobre ng Kidapawan City, Venus Jhade Villavicencio ng Magpet, Jeddah Rica Jickain ng Pikit, Caitlin Itutud ng Kidapawan City, Vanessa Joy Cazenas ng Kidapawan City, Katheleen Puerto ng Tulunan, Clarice Faith Tero ng Kidapawan City, Belladona Exim ng Pres Roxas, Jessa Pearl Lopez ng Pigcawayan at Almira Jann Cadi ng Kabacan.

Naniniwala naman si Cot Gov Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza na malaki ang posibilidad na mula sa 12 kandidata ay may sumunod sa mga yapak ni Bb.Pilipinas 2014 at Miss Universe Top 10 Finalist MJ Lastimosa na tubong Tulunan, Cotabato.   

Samantala, maliban sa mga ipakikitang talent at husay ng mga kandidata, tampok din ang Haute Couture o pagsusuot ng mga specially-created designs ng mga lokal na fashion designer mula sa lalawigan ng Cotabato.

Magsusuot ng damit na yari sa Inaul ang mga kandidata o telang gawa ng mga mahuhusay na Maguindanaon.

Ayon kay Ralph Ryan Rafael, Head ng Technical Working Group ng search, layon nito na maipagmalaki ang husay sa paghabi ng tela ng mga Maguindanaon at ganun din ang pagdisenyo ng mga local fashion designers.


Ihahayag naman sa mismong Grand Pageant Night ang mananalo saTalent Night at Haute Couture sa darating na August 26, 2015 sa Kidapawan City gym simula alas-sais ng gabi kung saan malalaman kung sino ang tatanghaling pinakamagandang babae sa lalawigan ng North Cotabato. (JIMMY STA. CRUZ-PGO Media Center)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento