(Kabacan, North Cotabato/ August 21, 2015)
---Abot pa lamang sa mahigit 250 katao ang nakaparehistro ng kanilang
biometrics sa Comelec Kabacan simula noong buwan ng Mayo ngayong taong 2015.
Nabatid na noong buwan ng Mayo ay abot sa
mahigit 3 libung mga botante ang nanganganib na matanggal sa listahan ng
Comelec Kabacan dahil sa walang mga biometrics ang mga ito.
Sa impormasyong nakuha ng DXVL News sa
nasabing tanggapan na simula sa buwan ng Oktubre hanggang sa Nobyembre ng
kasalukuyang taon ay sisimulan na nilang magtanggal ng mga pangalan.
Sa panayam ng DXVL News kay Gideon Falcis,
isa sa mga kawani ng Comelec Kabacan na pagkatapos ng gagawing Election Board
Hearing ay lilinisan na nila ang kanilang listahan.
Dagdag pa nito na kahit nakaparehistro ang
isang botante kapag walang biometrics ay tatangalin pa rin nila. Payo nito sa
publiko na sumugod na ngayon sa Comelec habang may oras pa. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento