Kabacan sentro ng negosyo at sentro ng
edukasyon.
Ito ang sinabi ni Cong. Jose "Ping Ping" Tejada Representante ng 3rd District ng North Cotabato sa Kongreso sa
kanyang mensahe sa pagdalo niya sa 68th Founding Anniversary ng
bayan ng Kabacan, kahapon.
Ayon sa mambabatas ang gumagandang peace and order umano
ang isa sa dahilan kung bakit marami sa mga negosyante ang nagnanais na maglagak ng kanilang puhunan sa bayan ng Kabacan.
Sinabi pa nito na patuloy na lumalago ang
ekonomiya ng bayan.
Marami rin umanong dumadayo sa bayan ng Kabacan para
mag-aral sa University of Southern Mindanao dahil ito ang sentro ng edukasyon.
Aniya, wala umanong duplication ang mga
proyekto at ipagpapatuloy din ang road widening sa national highway mula
Matalam hanggang Kayaga.
Dagdag pa ni Cong. Tejada na marami umanong
flood control system project na ibibigay sa bayan ng Kabacan at proyektong pang
inprastraktura.
Dagdag pa ni Cong. Tejada na pagsusumikapan sa
susunod na taon na maisemento ang daan ng Banisilan-Kabacan highway.
Ang biyahe umano mula sa Banisilan papuntang Kabacan sa halip
na isa at kalahating oras ay magiging
isang oras na lang.
Ipinaliwanag din ng mambabatas na ang mga
iskolar ng bayan na top 10 ay pwede ng kumuha ng certification sa CHED at mag-aral
sa University of Southern Mindanao.
Samantala, isinulong din ni Cong. Tejada
kasama si Vice Gov. Dodong Ipong ang full coverage ng Philhealth para sa mga
senior citizen. Ang kultura din umano ng Pinoy ay ibebenta ang halos lahat para
maipagamot ang mga magulang. Mark
Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento