Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ilang mga lugar sa Mindanao, deklaradong Holiday ngayong araw

Deklaradong Holiday ngayong araw January 13, 2014 kaugnay ng pagdiriwang ng mga mananampalatayang Muslim sa "Maulidin Nabi" o ang kaarawan ni Propeta Mohammad.

Batay sa memorandum order na inilabas ng National Commission on Muslim Filipinos o NCMF, sakop ng holiday ang buong Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM, mga lalawigan ng North Cotabato, Lanao del Norte, Sultan Kudarat Province, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte maging ang mga lungsod ng Cotabato, Iligan, Marawi, Pagadian, Zamboanga at iba pang mga Muslim cities and provinces.

CFCST Campus sa Arakan, North Cotabato, pinasabugan; 26 Sugatan

(Arakan, North Cotabato/ January 13, 2014) ---Sumampa na sa Dalawampu’t anim katao ang iniulat na sugatan habang kritikal ang isa ng sumambulat ang malakas na pampasabog sa Presidential Cottage ng Cotabato Foundation College of Science and Technology (CFCST) sa Barangay Doroluman, Arakan, North Cotabato alas pasado alas 8:00 kagabi.

Truck Vs motorsiklo; 2 todas!

(Antipas, North Cotabato/ January 10, 2014) ---Patay ang isang motorista at ang angkas nito ng mabangga ng ten wheeler truck ang motorsiklong gamit ng mga ito sa Poblacion Antipas, North Cotabato alas 5:30 ng hapon kahapon.

Kinilala ang mga biktima na Nilo Manalo, driver ng motorsiklo at ang angkas nito na si Michael Orcajada, pawang mga residente Purok Malipayon, Poblacion Antipas.

Bus Drayber, tinadtad ng bala sa Libungan, North Cotabato

(Libungan, North Cotabato/ January 10, 2014) ---Napaaga ang salubong ni kamatayan sa isang Bus Drayber ng Weena Bus Line Company makaraang pagbabarilin sa Brgy. Abaga, Libungan, North Cotabato alas 9:00 kagabi.

Kinilala ni PCInsp. Bernard Tayong, hepe ng Libungan PNP ang biktima na si Romeo Ala-ay, 44 anyos may asawa at residente sa nabanggit na lugar.

Sekyu patay sa hold-up sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ January 12, 2014) ---Patay ang security guard ng isang gasoline station makaraang mahold-up ng apat na mga di pa nakilalang mga suspek sa Barangay Sudapin, Kidapawan City alas 8:30 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni City Police Director Supt. Leo Ajero ang napaslang na si Wahab Kanacan, residente ng Kidama, Matalam, North Cotabato.

Panibagong Water Pump Station ng Kabacan Water District, malapit ng magagamit

(Kabacan, North Cotabato/ January 11, 2014) ---Patuloy ngayon ang pagkukumpuni sa dalawang Water Pump Station ng Kabacan Water District.

Ito ang nabatid mula kay KWD General Manager Ferdie Mar Balungay kungsaan aasahan namang magagamit na ang panibagong water pump station nila sa Barangay Osias na ngayon ay malapit ng matapos.

Upper Respiratory Track Infection o URTI dumarami ang kaso sa mga kababaihan sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ January 11, 2014) ---Dumarami ngayon ang may mga sakit na Upper Respiratory Track Infection o URTI sa Kabacan, North Cotabato.

Ayon kay Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon karamihan sa mga tinatamaan ng naturang sakit ay ang mga kababaihan.

Presyo ng mga isda sa Kabacan, North Cotabato; sumirit sa pagpasok ng taong 2014

(Kabacan, North Cotabato/ January 11, 2014) ---Maliban sa pagtaas ng presyo ng bigas, sumirit din maging ang presyo ng isda sa Mercado Publiko ng Kabacan kaya, panibagong pasanin na naman ito sa budget ng Pamilya.

Ayon kay Maymay, tindera ng isang pwesto ng isdaan sa palengke, sumipa ang presyo ng isa ng P20 sa kadahilanang tumaas rin ang presyo ng kanilang inaangkatan at wala silang magagawa kundi magtaas rin ng presyo.

Farmer Field School, isinasagawa sa isang barangay sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ January 10, 2014) ---Patuloy na isinasagawa ngayon ang Farmer Field School sa Barangay Aringay, Kabacan, Cotabato.

Ang programa ay sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office ng Kabacan sa pamumuno ni Municipal Agriculturist Sasong Pakkal.

50% ng mga posteng nawalan ng ilaw sa Poblacion, Kabacan; naibalik na!

(Kabacan, North Cotabato/ January 10, 2014) ---Naibalik na ang ilaw sa 23 mga poste mula sa 53 pinutulan ng kuryente ng Cotabato Electric Cooperative, Inc. o cotelco matapos na bigong makabayad ang Barangay Pobalcion.

Ito ang inihayag ni Kapitan Mike Remulta sa isang panayam ng DXVL News kahapon.

Paglalagay ng mga kulungan sa mga Barangay sa Kabacan, isinusulong sa Sanggunian

(Kabacan, North Cotabato/ January 10, 2014) ---Ipinanukala ngayon sa Sangguniang Bayan ng Kabacan ng isang konsehal ang paglalagay ng lock up cell at mga check point sa mga barangay ng Kabacan.

Ito ang isinusulong sa komiteng hawak ni Councilor Rhosman Mamaluba sa isinagawang regular na session ng SB kahapon.

Pagkuha ng bagong Prangkisa sa mga tricycle for hire, hanggang ngayong buwan na lamang

(Kabacan, North Cotabato/ January 10, 2014) ---Hanggang sa katapusan na lamang ng buwan ng Enero ang ibinigay na palugit ng Sangguniang Bayan ng Kabacan sa mga gustong kumuha ng bagong prangkisa sa mga tricycle operators sa bayan.

Ito ang nabatid mula kay Secretary to the Sangguniang Bayan Beatriz Maderas kungsaan abot sa mahigit sa isang libu ang ngayon ay aasahan nilang kukuha ng rehistro.