(Libungan, North Cotabato/ January 10, 2014)
---Napaaga ang salubong ni kamatayan sa isang Bus Drayber ng Weena Bus Line
Company makaraang pagbabarilin sa Brgy. Abaga, Libungan, North Cotabato alas
9:00 kagabi.
Kinilala ni PCInsp. Bernard Tayong, hepe ng
Libungan PNP ang biktima na si Romeo Ala-ay, 44 anyos may asawa at residente sa
nabanggit na lugar.
Sa inisyal na ulat, pinasok umano ng di pa
nakilalang suspek ang biktima habang nagpapahingi ito sa kanilang bahay.
Nabatid na siyam na beses itong pinagbabaril
ng suspek gamit ang 45 caliber pistol sanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Sa ngayon patuloy ang ginagawang
imbestigasyon ng Libungan PNP para malaman ang motibo at kung sino ang nasa
likod ng nasabing pamamaril. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento