Deklaradong Holiday ngayong araw January 13,
2014 kaugnay ng pagdiriwang ng mga mananampalatayang Muslim sa "Maulidin
Nabi" o ang kaarawan ni Propeta Mohammad.
Batay sa memorandum order na inilabas ng
National Commission on Muslim Filipinos o NCMF, sakop ng holiday ang buong
Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM, mga lalawigan ng North Cotabato,
Lanao del Norte, Sultan Kudarat Province, Zamboanga del Sur, Zamboanga del
Norte maging ang mga lungsod ng Cotabato, Iligan, Marawi, Pagadian, Zamboanga
at iba pang mga Muslim cities and provinces.
Kaugnay nito, pinahihintulutan din ang lahat
nang mga Muslim employees saan mang panig ng bansa na lumiban sa trabaho sa
Lunes para ipagdiwang ang kaarawan ni Propeta Mohammad.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento