Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Farmer Field School, isinasagawa sa isang barangay sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ January 10, 2014) ---Patuloy na isinasagawa ngayon ang Farmer Field School sa Barangay Aringay, Kabacan, Cotabato.

Ang programa ay sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office ng Kabacan sa pamumuno ni Municipal Agriculturist Sasong Pakkal.


Abot sa 30 mga partisipante ang kalahok sa nasabing programa buhat sa Purok Saranay ng nasabing brgy.

Layon ng programa na mabigyan ng kaalaman ang mga kalahok hinggil sa Organic Agriculture, Integreted Pest Management, Water System Management at iba pa.

Maliban dito, tunututukan din ng MAO ang Food Staple Self Sufficiency program sa ilalim ng AriPinoy ni Pangulong Aquino.

Ang programa ay hindi lamang nakatuon sa bigas kundi maging sa High Value Crops kagaya ng Mais, Kamote at iba pa.


Sa ngayon, patuloy naman ang pamamahagi ng kanilang tanggapan sa mga coconut farmers ng fertilizer salt mula sa Provincial Government sa pamumuno ni Cot. Gov. Lala Mendoza. Rhoderick Beñez with report from Princess Ann Fajardo Tupas USM Devcom Intern

0 comments:

Mag-post ng isang Komento