Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Presyo ng mga isda sa Kabacan, North Cotabato; sumirit sa pagpasok ng taong 2014

(Kabacan, North Cotabato/ January 11, 2014) ---Maliban sa pagtaas ng presyo ng bigas, sumirit din maging ang presyo ng isda sa Mercado Publiko ng Kabacan kaya, panibagong pasanin na naman ito sa budget ng Pamilya.

Ayon kay Maymay, tindera ng isang pwesto ng isdaan sa palengke, sumipa ang presyo ng isa ng P20 sa kadahilanang tumaas rin ang presyo ng kanilang inaangkatan at wala silang magagawa kundi magtaas rin ng presyo.


Ang bodboron na dati ay P80/kilo ngayon ay P100/kilo na, ang barilison na dati P260/kilo ngayon ay 280/kilo na.

Ang maliliit na Matambaka na dati P120/kilo ngayon ay P140/kilo na, ang malalaki na dati P160/kilo ngayon ay P180/kilo na.

At ang bangus ay nadagdagan din ang P20 sa bawat laki, ang dating maliliit na P80, P100 na ngayon, at ang katatamtaman sa laki na bangus na dati P100 ngayon ay P120 na, at ang malalaki na dati P110 ngayon ay P130 na, pati ang pusit ay nagtaas rin ng presyo, ang dati P100/kilo, ngayon ay P120/kilo na rin.


Samantala nanatili naman sa dati nitong presyo ang karne ng baboy, baka at manok . Rhoderick Beñez with report from Mark Anthony Pispis USM Devcom Intern

0 comments:

Mag-post ng isang Komento