(Kabacan,
North Cotabato/ January 10, 2014) ---Ipinanukala ngayon sa Sangguniang Bayan ng
Kabacan ng isang konsehal ang paglalagay ng lock up cell at mga check point sa
mga barangay ng Kabacan.
Ito
ang isinusulong sa komiteng hawak ni Councilor Rhosman Mamaluba sa isinagawang
regular na session ng SB kahapon.
Ang
nasabing resolusyon ay isasangguni pa ni Mamaluba sa committee hearing na
gagawin nila sa susunod na linggo.
Dadaan
pa umano ito sa masusing pag-aaral.
Kung
mapagtibay ito, pwede na aniyang makapag-kustodi ng mga lumalabag sa batas ang
barangay council ng Kabacan sakaling di agad makaresponde ang mga kapulisan
lalo na sa mga malalayong barangay. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento