Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagkuha ng bagong Prangkisa sa mga tricycle for hire, hanggang ngayong buwan na lamang

(Kabacan, North Cotabato/ January 10, 2014) ---Hanggang sa katapusan na lamang ng buwan ng Enero ang ibinigay na palugit ng Sangguniang Bayan ng Kabacan sa mga gustong kumuha ng bagong prangkisa sa mga tricycle operators sa bayan.

Ito ang nabatid mula kay Secretary to the Sangguniang Bayan Beatriz Maderas kungsaan abot sa mahigit sa isang libu ang ngayon ay aasahan nilang kukuha ng rehistro.


Ang nasabing prangkisa at permit ay batayan para maka-pag-operate ang mga tricycle drivers at operators sa mga pangunahing lansangan ng Kabacan na legal.

Maliban dito, ipapatupad na rin ng munisipyo ang kulay orange na color coding sa lahat ng mga pampasaherong tricycle, isa ito sa mga tinalakay kahapon sa regular na session ng Sanggunian kahapon.

Ayon kay Kagawad Reyman Saldivar papasanin na ng operator ng tricycle ang magbayad sa pagpipintura para sa nasabing color coding. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento