Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Upper Respiratory Track Infection o URTI dumarami ang kaso sa mga kababaihan sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ January 11, 2014) ---Dumarami ngayon ang may mga sakit na Upper Respiratory Track Infection o URTI sa Kabacan, North Cotabato.

Ayon kay Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon karamihan sa mga tinatamaan ng naturang sakit ay ang mga kababaihan.


Ito dahil na rin sa pabago-bagong panahon at kakulangan sa sustansiyang kinakain.

Sinabi ni Cabellon na tumatama ang naturang sakit sa ilong at sa lalamunan dahilan para maimpeksiyon at humahantong sa URTI kung di agad maagapan.

Bukod dito, pumapangalawa naman sa mga nailistang sakit sa RHU Kabacan ay ang hypertension o high blood na sinasabing traidor na sakit.


Kaugnay nito, nagpaalala naman ang RHU Kabacan sa publiko na panatilihing maging malusog, iwasan ang pagpupuyat, kumain ng masustansiyang pagkain at mag-ehersisyo araw-araw. Rhoderick Beñez with report from Febelyn Arconado USM Devcom Intern

0 comments:

Mag-post ng isang Komento