Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Panibagong Water Pump Station ng Kabacan Water District, malapit ng magagamit

(Kabacan, North Cotabato/ January 11, 2014) ---Patuloy ngayon ang pagkukumpuni sa dalawang Water Pump Station ng Kabacan Water District.

Ito ang nabatid mula kay KWD General Manager Ferdie Mar Balungay kungsaan aasahan namang magagamit na ang panibagong water pump station nila sa Barangay Osias na ngayon ay malapit ng matapos.


Layon nito na mas pag-ibayuhin pa ang serbisyo ng KWD sa mga member consumer nito.

Dagdag pa ni GM Balungay na may bago silang automatic generator sets sa bawat station na agad na gagana kung mawala ang supply ng kuryente.

Isa ito sa kalidad na serbisyo ng Kabacan Water District para tiyakin pa rin ang lakas ng daloy ng tubig sa mga kabahayan kahit may brown-out.


Sa ngayon may limang water pump station ang KWD na nakakalat sa iba’t-ibang lugar ng Kabacan. Rhoderick Beñez with report from Mark Anthony Pispis USM Devcom Intern

0 comments:

Mag-post ng isang Komento