(Kidapawan City/ January 12, 2014) ---Patay
ang security guard ng isang gasoline station makaraang mahold-up ng apat na mga
di pa nakilalang mga suspek sa Barangay Sudapin, Kidapawan City alas 8:30
kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni City Police Director Supt. Leo
Ajero ang napaslang na si Wahab Kanacan, residente ng Kidama, Matalam, North
Cotabato.
Batay sa inisyal na ulat, lulan ng dalawang
motorsiklo ang mga suspek na naka-bonnet ng pagbabarilin nila ang biktima na
naka-bantay sa nasabing gasolinahan na makikita sa Kidapawan-Magpet highway.
Matapos barilin ang security guard ay
mabilis na nagtungo sa cashiers booth ang isa sa mga suspek at nilimas ang
3,000 pesos na laman ng kaha.
Tinangay rin ng mga holdaper ang 12 gauge
shot gun na service firearm ng biktima.
Nagpapatuloy ngayon ang pursuit operations
ng mga otoridad upang mahuli ang mga suspek.
Ito na ang pangatlong insidente ng holdap sa
Kidapawan City ngayong linggo. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento