(Pres. Roxas, North Cotabato/ June 8, 2015)
---Patay sa panibagong insidente ng pamamaril ang sinasabing dating kasapi ng
New People’s Army o NPA sa naganap na pamamaril
sa Purok 3, Brgy. Labu-o, Pres. Roxas, North Cotabato mag-aalas 6:00 ng
gabi nitong Sabado.
Sa report na nakarating kay PSI Romy
Castañeres, hepe ng Pres. Roxas PNP kinilala nito ang biktima na si Larry
Embac, 49-anyos, may asawa, magsasaka at residente ng nasabing lugar.
Lumalabas sa report, na habang naka-upo
lamang sa isang waiting shed ang biktima, limang mga di pa nakilalang mga
armadong suspek lulan ng dalawang motorsiklo na walang plaka ang biglang
tumambad sa harapan nito.
Dala ng mga salarin ang isang M-16 rifle na
binalot sa sako at mga short firearms.
Nang mapansin ni Embac ang presensiya ng
naturang mga suspek, agad na tumakbo ito at pumasok sa bahay ng isang Emma Pan
Villasor pero sinundan at pwersahang inilabas ng isa sa mga suspek.
Pagkalabas ng bahay, nagawa pa ng biktima na
tumakas dahilan kung bakit dalawa sa mga suspek ang nagpaputok ng ilang beses
sa kanya.
Nagtamo ang biktima ng iba’t-ibang tama ng
bala sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan na nagging dahilan ng agaran
nitong kamatayan.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang
14 na empty shells na kinabibilangan ng pitong empty shell ng 9mm pistol, 7
empty shells ng .45 na pistol at iba pa.
Napag-alaman pa na ang mga suspek na responsable
sa nasabing krimen ay tumakas sa bahagi ng Sitio Sumakwelan ng nasabing lugar
habang sumisigaw na mga miyembro sila ng makakaliwang grupo na NPA.
Patuloy pa ngayon ang ginagawang
imbestigasyon. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento