Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit P20K, naitalang danyos sa nangyaring sunog sa isang mini-store sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ June 8, 2015) ---Panibagong insidente ng sunog ang naitala sa bayan ng Kabacan noong Biyernes, Hulyo a-5, 10:15 ng gabi.

Ayon sa report ng BFP Kabacan sa pangunguna ni FSI Ibrahim Guiamelon, nasunog ang Estornines Mini Store sa Purok 4, Brgy.Osias, Kabacan, Cotabato na pagmamay-ari ni Mrs. Licel B. Estornines.


Sa imbestigasyon ni FO1 Michael John B. Flores ng BFP Kabacan, tinatayang nasa mahigit kumulang dalawampung libong piso ang danyos ng naturang sunog. 

Wala naman umanong naitalang namatay o nasugatan sa naturang insidente.

Ayon kay FI Ibrahim Guiamelon, ang paggamit umano ng extension wire na naging sanhi ng pag overload ng kuryente ang tinitingnan nilang dahilan ng sunog.

Dahil sa maagap na pagresponde ng mga kagawad ng pamatay sunog agad naapula ito at di na kumalat pa sa isang mga kabahayan. Christine Limos


0 comments:

Mag-post ng isang Komento