Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...


Patuloy pang hinahanapan ng pondo ng accounting office ng USM kung papaanu mabayaran ang mga gurong may overload ngayong semester, sa kabila nito payag naman umano ang ilang mga guro ng pamantasan na i-convert na lamang ang nasabing bayad sa overload upang gawing service credit.

Ito ang sinabi kahapon ni USMFA Pres. Dr. Anita Tacardon matapos ang isang special assembly meeting na ipinatawag ni USM Pres Jess Derije sa mga faculty kahapon ng umaga na ginanap sa ULS convention hall.

Kaugnay nito, matapos lumabas sa pagpupulong ng BOR sa kanilang meeting noong Agosto a-8 sa Quezon city, pinayuhan ngayon ng BOR ang mga gurong may Masters at Doctors degree na huwag ng kumuha ng overload para makapag-concentrate sa research at extension ng University.

Pinag-aaralan naman ng administrative Council kung kukuha ng mga contractual sa susunod na semester dahil sa ibabawas na ang mga overload sa mga guro.

Aminado naman ang opisyal na kulang ang budget pambayad sa overlaod dahil sa may naka amba pang para sa reclassification at benepisyo ng mga faculty.

Idenepensa rin ni Dr. Tacardon ang kapakanan ng mga guro sa BOR kungsaan ipinaglaban nito ang faculty development na mabigyan ng scholarship ang mga faculty na makapag-aral simula ngayong semester hanggang 2012.

Tiniyak din nito ang benepisyo ng bawat guro na maibibigay sa kanila.

Giit pa ni Dr. Tacardon na ang USM Review Center ay nasa ilalim na ng pamunuan ng FA kungsaan ang kikitain ng review center ay pandagdag sa mga benepisyo ng guro.

Mga establisiemento at ilan pang pamilihan sa bayan na gumagamit pa rin ng cellophane; binalaan na ng MENRO

Matapos magbigay ng isang buwang palugit ang pamunuan ng MENRO Kabacan hinggil sa pagbabawal na sa paggamit ng cellophane bilang pambalot sa mga pinamili, kasado na umano ang grupo ng MENRO na manghuhuli sa susunod na linggo

Ito ang naging babala ni Kabacan Municipal Environment and Natural Resources officer Jerry Laoagan sa mga establisiemento na di pa rin sumusunod sa Municipal Ordinance # 2011-008.

Sinabi pa ni Laoagan na marami pa umano sa ilang mga establisiyemento partikular na sa USM Avenue ang di pa rin sumusunod sa nasabing batas.
Sa kabila nito, patuloy pa rin ang panawagan ng opisyal na sa susunod na linggo ay maghuhuli na sila.

Ito anya ay para na rin sa kapakanan ng lahat dahil ang mga cellophane ang isa sa mga nakikita nilang dahilan ng pagapaw ng mga tubig sa kanal dahil sa bumabara ang mga ito. 

Sa kabila nito, napansin na rin ng opisyal na umakyat na rin sa 80 porsyento ng mga establisiemento ang gumagamit na ng papel na pambalot.

Kabilang sa tinukoy ni Laoagan na sumusunod na sa nasabing ordinansa ang NOVO, Mercury drugstore, 8 fortune, Amplayo lahat ng mga hardware habang nakipag-negosasyon na rin ito sa pamunuan ng MC Square, Sugni at iba pa.

Mga otoridad patuloy na iniimbestigahan ang pagpapakamatay ng isang 28-anyos na babae sa Kabacan; laptop ; ninakaw naman sa isang estudyante

Patuloy na iniimbestigahan ng mga otorridad ang pagpapakamatay ng isang
28 anyos na babae kahapon ng umaga sa kanilang bahay sa Purok 1, Brgy. Osias, Kabacan, Cotabato.

Sa report ng Kabacan PNP, kinilala ni P/Supt. Joseph Semillano ang biktima na si Kim Charina Corpuz, 28, walang asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa report, alas 9:30 kahapon ng umaga ng matagpuan ng kanyang kamag-anak si Corpuz sa loob ng kwarto ng kanyang mga magulang na nakahandusay at wala ng buhay makaraang binaril nito ang kanyang sarili gamit ang di pa matukoy na uri ng armas.

Unan ang ginawa nitong pantakip para di umalingawngaw ang tunog, ayon pa kay Semillano.

Nabatid na nasa States ang mga magulang ng biktima at sinasabing depressed daw ito, ayon sa report.

Iniimbestigahan pa ng Scene of the Crime Operatives o SOCO ang suicide incident na ito kung may foul play ba sa pagkamatay ni Corpuz.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng mga otoridad kung anu ang dahilan ng pagpakamatay nito.

Una rito, may napaulat din umanong isang estudyante ng Asiatech ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng Muriatic acid subalit di ito na tuluyan.

Samantala, isang estudyante ng USM ang ninakawan ng laptop sa loob ng pamantasan partikular sa CAS park kasagsagan ng nangyaring power interruption kagabi.

Ayon sa report, hinablot umano ng di pa nakilalang magnanakaw ang nasabing laptop habang hawak ng biktima. Agad namang hinabol ng mga guardiya on duty subalit bigo po silang mahuli ang suspetsado.

Campus Henyo 2011; itatampok sa Pasiklaban 2011

Limang araw bago ang inaabangang Campus Henyo 2011 sa University of Southern Mindanao, todo handa na nagayon ang mga kalahok na sasali para dito.

Sa isang kalatas na ipinadala ng University Student Government nabatid na pormal na magsisimula ang nasabing patimpalak sa Setyembre a-19 ngayong taon.

Ang nasabing patimpalak ay paglalaban labanan ng lahat ng mga organisasyon sa Pamantasan.

Magtatagisan sa galing at talino mula sa mga kalahok para tatanghalin na Campus Henyo 2011.

Tuwing tanghali ng tapat mapapakinggan ng Live sa himpilang DXVL Radyo ng Bayan ang campus henyo 2011.

Samantala, kaagapay ang temang “  USMIANS:  Maki –isa, maki- saya ,  Pasiklaban , pasiklabin pa!, ilang araw bago ang pormal na pagsimula nito ay puspusan na ang paghahanda ng pamunuan ng USG, ito ayon kay  USG Vice President  at Co-Chairman ng Pasiklaban  Monsestrel Obevero.

Kaugnay nito, inilatag na rin ng pamunuan ng USM Security force ang kanilang paghahanda para tiyaking ligtas ang USM grounds sa buong linggong selebrasyon.

Paggamit ng cellophane ng mga establisiemento at ilan pang pamilihan sa bayan; walang ng kawala sa susumod na linggo

Matapos magbigay ng isang buwang palugit ang pamunuan ng MENRO Kabacan hinggil sa pagbabawal na sa paggamit ng cellophane bilang pambalot sa mga pinamili, kasado na umano ang grupo ng MENRO na manghuhuli sa susunod na linggo

Ito ang iginiit ni Kabacan Municipal Environment and Natural Resources officer Jerry Laoagan hinggil sa puspusang pagpapatupad ng Municipal Ordinance # 2011-008.

Sinabi pa ni Laoagan na marami pa umano sa ilang mga establisiyemento partikular na sa USM Avenue ang di pa rin sumusunod sa nasabing batas.
Sa kabila nito, patuloy pa rin ang panawagan ng opisyal na sa susunod na linggo ay maghuhuli na sila.

Ito anya ay para na rin sa kapakanan ng lahat lalo pa na nakikitang dahilan kung bakit bumabara ang mga pangunahing kanal ay ang mga cellophane na kumakalat dito. 

Ang nasabing  ordinansa ay ipanatupad  noong Agosto a-uno ng  kasalukuyan, subalit  humingi ng ekstensyon ang iilang mga estableshimento  upang maka pag handa at maubos ang  kanilang iilang natitirang  plastic.

Ayon kay Laogan, sa kabila nito napansin rin nito na umakyat na sa 80 porsyento ng ating mga kababayan ang sumusunod sa nasabing ordinansa. Pinapaalala naman ang  ang mga karampatang parusa sa mga hindi sumusunod. Limang daang piso para sa unang paglabag, isang libo para sa ikalawa at isa’t  kalahating  libong piso  at isa  hanngang anim na buwang pagkaka kulong  sa ikatlong paglabag.

42ND CENCOM Day Celebration gaganapin

Todo paghahanda ang ginagawa ng College of Engineering kauganay sa gaganaping 42nd CENCOM Day Celebration ngayong taon na gagawin sa ika-26 ng Setyembre, 2011.

Ayon kay CENCOM LSG President Norhamil R. Angeles, magkakaroon ng iba’t ibang kompetisyon tulad  ng Float parade competition, T-shirt design , beautification of the adopted area, food fest,table setting, amazing cencomnista, dance comopetition, at ang Mr.  and Miss CENCOM 2011 na gaganapin sa USM gym.

Layunin nitong maipakita ang talento at kakayahan ng College of Engineering students.

Kaugnay nito, Todo suporta ang mga guro ng nasabing kolehiyo sa pangunguna ng CENCOM Dean Professor Nelson M. Belgira. Sa katunayan, pipaplano umano ng CENCOM Faculty and Satff na ilaan ang kanilang half-daily salary para sa nasabing selebrasyon.

UNILYMPICS at Kaliline 2011 magsisimula na

Hindi na magkamayaw sa pananabik ang mga estudyante ng  Pamantasan ng Katimugang Mindanao sa napipitontong pagbubukas ng UNILYMPICS at KALILINE Festival ngayong taon.

Ito ay pormal na magbubukas ganap na alas-tres ng hapon bukas sa DD Clemente Grounds, USM Kabacan Cotabato.

Sisimulan ito ng isang parada na lalahukan ng mga estudyante ng pamantasan, na iikot mula sa loob ng pamantasan at sa buong poblacion ng Kabacan.

Ang Unilympics at Kaliline Festival ay taunan nang ginagawa sa USM. Layon nitong mas patatagin pa ang pagiging numero-uno ng pamantasan lalo na sa larangan ng Isport at Socio Cultural.

111th Philippines Civil Service Anniversary; Ginugunita

Makikiisa ang Pamantasan ng Katimugang Mindanao sa paggunita ng 111th Philippines Civil Service Anniversary ngayong taon.

Kaugnay nito, magsasagawa ng sariling programa ang pamantasan sa ika-26 ng Setyembre bilang pakikiisa sa pambansang pagdiriwang na may temang “Championing Responsive, Accessible Courteous and Effective Public service: Public Service Excellence at Full Screen.

Ito ay naglalayong bigyan ng pagkilala ang mga tapat na empleyado ng Pamantasan. Pangungunahan ni Human Resources Management Office o HRMDO Director Cynthia S. Alpas.

Nabatid mula sa nasabing tanggapan na mayroong 34 na mga empleyado mula sa USM main campus ang paparangalan sa Sept 26 habang 15 naman mula sa Kidapawan City Campus ang tatanggap din ng pagkilala.

Sa ngayon, lubusan ang paghahanda ng Human Resources Management Office ng USM para sa nasabing aktibidad. 

Mga Voter’s ID di pa dumating sa tanggapan ng Comelec Kabacan

Nilinaw kahapon ni Kabacan Comelec Officer Mercedes Pijo na di pa dumating sa kanilang tanggapan ang mga voter’s id ng mga botanteng nagparehistro sa Kabacan comelec.

Ito ang paliwanag ng opisyal sa una ng inireport ng DXVL kahapon matapos inihayag ni Comelec spokesman James Jimenez na makukuha na umano ang nasabing mga id.

Ayon kay Pijo, wala pa umanong mga id’s na galing ng COMELEC central office ang dumating sa Kabacan dahilan kung bakit inalmahan nito ang nasabing report kahapon matapos na sumugod ang ilan para kunin na ang kanilang comelec id.

Sinabi ng opisyal na magbibigay lamang sila ng abiso sa mga residente na pwede ng kunin ang comelec id’s kung dumating na ito sa kanilang tanggapan.

Una rito, hindi umano maipapadala sa bawat address ng mga botante ang ID dahil walang pondo para gastusan ito.


Mga indigents na lolo sa Kabacan, makakakuha ng tig-P500 kada buwan
Pwede na umanong makukuha ng mga indigent na senior citizen sa bayan ng Kabacan ang kanilang Social Pension sa treasury office sa munisipyo.
Ito ang sinabi kahapon sa Radyo ng Bayan ni Municipal Social Welfare and Development Officer Susan Macalipat kungsaan ang programang ito ay bilang pagbibigay tulong sa mga matatandang nasa mahigit sa anim na pung taon na ang gulang.
Sila ay makakatanggap ng tig-P500 kada buwan.
Batay sa talaan ng MSWDO Kabacan mayroong 68 mga senior citizen indigent sa bayan ang makaka-avail ng nasabing programa.
Ilan sa mga ito ay nakakuha na ng P1,500 sa unang quarter ng taon.
Para sa pag-claim ng nasabing pension, magdala lamang po ng Senior Citizen ID at personal na magtungo sa Treasurer’s Office at hanapin lamang po si Priscilla Quiñones.
Para sa karagdagang impormasyon magtungo lamang po sa Senoir Citizen Office sa Munisipyo o di kaya’y sa MSDO-Kabacan.

Libung halaga ng pera natangay ng mga magnanakaw sa isang Sari-sari store sa USM Avenue

Abot sa tatlong libung piso ang natangay ng mga magnanakaw sa isang Sari-sari store na nasa USM Avenue kaninang madaling araw.

Batay sa report ng Kabacan PNP, kinilala ang may ari at biktima ng nasabing nakawan na si Jemuel Presas, 37 yrs old isang drayber at residente ng Roxas St., Poblacion, Kabacan.

Pinasok umano ng magnanakaw ang kanyang sari-sari sa pamamagitan ng pagsira ng lock ng kanilang pintuan para gawing entry points gamit ang steel saw.

Matapos maisakatuparan ang masamang balakin, agad namang tumakas ang mga salarin papalayo sa di malamang direksyon.

Sa ngayon subject for manhunt ng mga otoridad ang mga taong responsable sa nasabing nakawan.



Bagama’t di pa matukoy ni Kabacan P/Supt. Joseph Semillano kung may katotohanan ang mga kumakalat na text messages na mayroon umanong mga tatlong mga vans na nangingidnap ng mga bata, patuloy naman nitong pina-iingat ang publiko.

Ito ang sinabi ng opisyal sa lahat partikular na sa mga residente ng Kabacan sa isang panayam ng Radyo ng Bayan ngayong araw.

Batay sa report isang pampasaherong van na kumukuha ng mga bata at pinapaslang ito sa pamamagitan ng pagkuha ng mga internal organs.

Sinabi pa ni Semillano na, iwasang makipag-usap sa mga hindi kakilala at kung maaari ay iwasan din ang paglalakad ng mag-isa.

Pinayuhan din nito ang mga magulang, huwag na nilang hayaang lumabas ang kanilang mga anak bago pa sumapit ang gabi.