Campus Henyo 2011; itatampok sa Pasiklaban 2011
Limang araw bago ang inaabangang Campus Henyo 2011 sa University of Southern Mindanao , todo handa na nagayon ang mga kalahok na sasali para dito.
Sa isang kalatas na ipinadala ng University Student Government nabatid na pormal na magsisimula ang nasabing patimpalak sa Setyembre a-19 ngayong taon.
Ang nasabing patimpalak ay paglalaban labanan ng lahat ng mga organisasyon sa Pamantasan.
Magtatagisan sa galing at talino mula sa mga kalahok para tatanghalin na Campus Henyo 2011.
Tuwing tanghali ng tapat mapapakinggan ng Live sa himpilang DXVL Radyo ng Bayan ang campus henyo 2011.
Samantala, kaagapay ang temang “ USMIANS: Maki –isa, maki- saya , Pasiklaban , pasiklabin pa!, ilang araw bago ang pormal na pagsimula nito ay puspusan na ang paghahanda ng pamunuan ng USG, ito ayon kay USG Vice President at Co-Chairman ng Pasiklaban Monsestrel Obevero.
Kaugnay nito, inilatag na rin ng pamunuan ng USM Security force ang kanilang paghahanda para tiyaking ligtas ang USM grounds sa buong linggong selebrasyon.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento