Elf na may lulang mga “ukay-ukay” ; na-intercept ng mga otoridad sa kabacan dahil sa walang kaukulang permit
Na-intercept ng mga kagawad ng Cotabato Police Public Safety Company na nakabase sa COMPAC na nasa Brgy. Osias, Kabacan, Cotabato ang isang Izusu elf na may plate number YFW 348 lulan ang mga imported goods o mas kilala sa tawag na “ukay-ukay” nitong alas 3:00 ng madaling araw nitong Biyernes.
Batay sa report ng Kabacan PNP, wala umanong kaukulang permit ang nasabing mga imported goods ng siyasatin ng mga guard on duty na sina P01 Earl Cabucos at Nino Plarisau ng CPPSC ang nasabing sasakyan na may lulang mga ukay ukay.
Agad na dinala sa presinto sina Samir Usman Kusa, 42, driver ng nasabing elf at residente ng SuperMarket Site, Cotabato City; Salik Ulama, 31 at Bensar Nur, 20 kapwa residente ng Supermarket, Mother barangay Poblacion ng nabanggit na lungsod.
Matapos maimbestigahan sa himpilan ng pulisya agad namang tinurn-over sa Cotabato police Provincial Office sa Amas, kidapawan City ang nasabing sasakyan at mga nagmamaneho nito.
(Rhoderick Benez, DXVL News)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento