Iba’t-ibang klase ng sasakyan huli ng Kabacan Traffic Police dahil sa paglabag sa Municipal Ordinance 2009-010 o iligal parking
Naka-impound kaninang umaga sa Kabacan PNP ang humigit kumulang sa sampung klase ng mga sasakyan dahil sa paglabag sa Municipal ordinance 2009-010 o ang tinatawag na ilegal parking.
Ito ay ayon kay Kabacan Traffic Officer P03 Jeryl Vegafria kungsaan anim na mga multicab ang kanilang nahuli dahil sa di tamang lugar na pagkuha ng mga pasahero.
Ito rin ang kaso ng apat na mga Vans na nahuli nila.
Samantala, mahigit sa sampung mga tricycab din ang naka-impound kaninang umaga sa Kabacan PNP dahil sa iba’t-ibang violations kagaya ng pagmamaneho ng walang kaukulang dokumento at illegal parking sa National Highway partikular sa harap ng Rhoanas grill restaurant.
Karamihan sa mga ito naka parada kasi sa napakalaking signage na “No Parking” na makikita sa National Highway na siya namang mahigpit na ipinagbabawal ng mga otoridad.
Sinabi pa ni Vegafria na magiging sunod-sunod na ang gagawin nilang operasyon dahil sa marami pa rin sa mga tricycle operator ang di marunong sumunod sa mga batas na ipinapatupad.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento