Grupong nangingidnap ng mga bata, wag ikaalarma ng Publiko –ayon kay PSSUPT Salinas
WALA UMANONG dapat ikabahala ang publiko sa kumakalat ng mga mensahe sa “text” nitong nakaraang mga araw na may kaugnayan sa mga grupong nangingidnap umano ng mga bata at pumapatay sa mga ito upang makuha ang mga mata at kidney ng mga batang kinikidnap.
Ayon kay Police Senior Supirentendent Cornelio Salinas, provincial director ng North Cotabato PNP, bagama’t kanila pa umanong biniberipika ang naturang report, wala naman umanong dapat ikaalarma ang mga magulang sa seguridad ng kanilang mga anak, dahil lagi naman umanong nakaantabay ang kapulisan upang isiguro ang siguridad ng publiko.
Una rito, may mga kumakalat kasi na text messages na may tatlong bata kahapon na mula sa bayan ng Sulop sa lalawigan ng Davao del Sur ang diumano’y kinidnap at pinatay ng nasabing grupo na ngayon ay nasa erya na ng Digos city at kinuha ang kanilang mga mata at kidney, ito ay batay sa text na kumakalat.
Sa imporamsyong natanggap ng DXVL Radyo ng bayan ngayong araw, isa sa tatlong bata ang narekober na at kinuhanan na ng nasabing organ, ayon sa report.
Ayon sa isang opisyal ng pulis na nakilalang si Maureen Palacio nagpadala ng mensahe, na pina-iingat nito lalo ang mga estudyante na wag lang basta-basta sumama sa mga di kilalang tao at iwasan na ang paglakwatsa des oras ng gabi.
Sa kabila nito, nanawagan din si Salinas na panatilihin pa rin ang pagiging mapagmatyag lalo na sa mga magulang at ireport agad sa kapulisan ang anumang impormasyon may kaugnayan sa kriminalidad. (RB)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento