Organic vegetable production, isinusulong ng DA
Tinututukan ngayon ng Department of Agriculture ang pagsusulong ng organikong pagsasaka. Kasabay ito ng paghahatid impormasyon sa mga magsasaka sa mga kanayunan tungkol sa Agri-Pinoy program ng kasalukuyang gobyerno.
Bilang pagpapatuloy ng mga inisyatibo ng Department of Agriculture, nagsagawa ng Package of technology on Organic Vegetable Production sa bayan ng Alamada, North Cotabato .
Dinaluhan ito ng mga magsasaka mula sa iba’t- ibang barangay ng bayan at mga agriculture technologists ng iba’t- ibang lokal na pamahalaan sa unang distrito ng North Cotabato .
Ayon kay Agricultural Training Instittute Engr. Danilo Viado, layunin ng nasabing seminar ang pagbibigay pansin sa kahalagahan ng organikong sistema ng pagsasaka. Dagdag ni Viado, mas mainam at ligtas ang mga gulay na kakainin ng mga tao kung ito ay nagmula sa organic production.
Aminadao naman si Viado na hindi madaling kumbinsihin ang mga magsasakang nakasanayan na ang in-organikong pagsasaka o synthetic farming.
Ngunit positibo ang opisyal na sa pamamagitan ng puspusang information campaign ay hindi magtatagal ay unti- unti na ring babalik ang mga magsasaka sa organic farming.
ang natukoy na package of technology on organic vegetable production seminar ay pinangunahang isagawa ng DA Regional Office 12, ATI 12, pamahalaang lokal ng Alamada at ng tanggapan ni North Cotabato First District Cong. Jesus “Susing” Sacdalan.
Magkakaroon din ng nasabing pagsasanay sa teknolohiya ng organikong produksyon ng mga gulay ang mga magsasaka at vegetable growers sa bayan ng M’lang, North Cotabato sa mga susunod na linggo. (with reports from Roderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento