Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 sugatan sa malakas na pagsabog sa Kabacan, North Cotabato kagabi

(Kabacan, North Cotabato/ June 23, 2013) ---Isa ang napaulat na sugatan sa pagsabog ng pinaniniwalaang Improvised Explosive Device o IED na nasa National Highway, harap ng Laira Marketing, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 7:35 kagabi.

Sa spot report ng Kabacan PNP ngayong umaga di pa kinilala ang biktima na natamaan ng di pa matukoy na uri ng pampasabog.

40-anyos na magsasaka, patay sa pamamaril sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ June 21, 2013) ---Patay on the spot ang isang 40-anyos na magsasaka makaraang pagbabarilin ng mga di pa nakilalang suspek sa Kalye Putol, Purok Chrislam, Matalam, North Cotabato alas 11:25 ng umaga kakalawa.

Kinilala ng Matalam PNP ang biktima na si Muhamad Ali residente ng nabanggit na lugar.

Sanggol, isinilang ng patay, nabuhay!

(Amas, Kidapawan city/ June 21, 2013) ---Isang premature na sanggol na ipinanganak 30 linggo ang ideneklarang patay ng mga staff ng Cotabato Provincial Hospital, Amas, Kidapawan City ang iniulat na nabuhay.

Ang sanggol na babae ay ipinanganak sa pamamagitan ng normal delivery alas 7:30 ng umaga noong linggo, ayon sa kanyang kamag-anak na kinilalang si Janet Rinsulat.

Pondo para sa itatayong municipal fish port sa Pikit, North Cotabato hiniling sa DOTC


(Midsayap, North Cotabato/ June 20, 2013) ---Nagsumite ng sulat kahilingan sa opisina ni Rep. Jesus Sacdalan ang pamahalaang pambarangay ng Nabundas sa bayan ng Pikit, North Cotabato.

Partikular na nakasaad sa nasabing dokumento ang kahilingang mapondohan ng Department of Transportation and Communication o DOTC ang pagtatayo ng isang municipal fish port sa lugar.

P340M proposed infra programs, tinukoy ng DPWH- Cotabato 2nd Eng’g District Office

(Midsayap, North cotabato/ June 20, 2013) ---Nagpapatuloy ang gawain ng Department of Public Works and Highways o DPWH sa Lalawigan ng North Cotabato kaugnay ng mga pangunahing proyekto na nais nilang ipatupad sa taong ito.

Tinukoy ni District Engineer Doroteo Ines Jr. ang karagdagang P340 M proposed infrastructure programs para sa unang distrito ng lalawigan.

Silver Anniversary ng IMEAS-USM; pinaghahandaan na!

(USM, Kabacan, North cotabato/ June 20, 2013) ---Ngayon pa lamang ay pinaghahandaan ng Local Government Student o LSG ng Institute of Middle East and Asian Studies o IMEAS-USM ang nalalapit na ika-25 taong anibersaryo ng institusyon.

Ayon kay IMEAS-LSG Governor Lahmodin Balabagan kasabay ng anniversary program ay gagawin din ang kauna-unahang grand alumni homecoming sa Hunyo a-29 ng kasalukuyang taon.

Mga Van Drivers at operators, inireklamo ang paghuhuli sa kanila sa crossing papasok sa Midsayap, North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ June 20, 2013) ---Umaalma ngayon ang ilang van drivers at operators hinggil sa umano'y paghuli sa kanila tuwing kumukuha sila ng pasahero sa crossing papasok sa downtown area ng Poblacion, Midsayap, North Cotabato.

Ayon sa report, problema para sa mga driver ng van ang paghuli sa kanila ng mga myembro ng Midsayap PNP traffic management group na may rutang Cotabato-Midsayap na kumukuha ng pasahero sa crossing patungong Poblacion proper.

Pulis sa Pres. Roxas, patay makaraang pagbabarilin habang nagsisilbi ng search warrant

(Pres. Roxas, North Cotabato/ June 20, 2013) ---Patay ang isang mataas na opisyal ng pulis ng iginagawad nito ang search warrant for gun possession ng barilin sa Barangay Greenhills alas 4:30 ng madaling araw kahapon.

Kinilala ang biktima na siSenior Police Officer 2 Eldorado Dolloso ng President Roxas PNP.

USM OIC, nagpalabas ng Status Quo

(USM, Kabacan, North Cotabato/ June 20, 2013) ---Bumuo ng University Peace and Order Council ang bagong talagang Officer in charge ng University of Southern Mindanao na si Atty. Christopher Cabilen, batay sa bagong memorandum na kanyang inilabas kahapon.

Sinabi ng opisyal sa panayam sa kanya ng DXVL News kaninang umaga na ginawa nito ang nasabing hakbang dahil wala umano siya’ng sapat na panahon para pag-aralan ang pagpapatakbo sa unibersidad.

USM Faculty House, ninakawan

(USM, Kabacan, North Cotabato/ June 20, 2013) ---Natangay ng mga magnanakaw ang humugit kumulang sa Limang libung cash makaraang ninakawan ang Faculty House na nasa loob ng USM Main campus.

Sa panayam ng DXVL News sa staff ng FA posible umanong dumaan sa likurang bahagi ng pintuan ang di pa nakilalang salarin.

Mahigit 7 libung mga pamilya, apektado ng pagbaha sa Kabacan, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ June 20, 2013) ---Abot sa 7,204 ang kabuuang pamilya na naapektuhan ng mga pagbaha sa bayan ng Kabacan makaraang bumuhos ang malakas na pag-ulan nitong Hunyo a-13.

Batay sa pinakahuling report ni Social Welfare Officer Susan Macalipat, Incident Commander ng MSWDO labing apat na mga brgy ang naapektuhan ng nasabing pagbaha makaraang umapaw ang tubig mula sa Pulangi river.

Magkapatid, patay sa baha sa Maguindanao

(Pagalungan, Maguindanao/ June 20, 2013) ---Napaaga ang salubong ni kamatayan sa magkapatid na bata makaraang lamunin ng tubig-baha sa Pulangi River sa Barangay Damalasak sa bayan ng Pagalungan, Maguindanao kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni Maguindanao PNP director P/Senior Supt. Rodelio Jocson, kinilala ang mga biktima na sina Nor Halim Sumangka, 7; at Arzalin, 5, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. 

Pondo para sa itatayong municipal fish port sa Pikit, North Cotabato hiniling sa DOTC

(Pikit, North cotabato/ June 19, 2013) ---Nagsumite ng sulat kahilingan sa opisina ni Rep. Jesus Sacdalan ang pamahalaang pambarangay ng Nabundas sa bayan ng Pikit, North Cotabato.

Partikular na nakasaad sa nasabing dokumento ang kahilingang mapondohan ng Department of Transportation and Communication o DOTC ang pagtatayo ng isang municipal fish port sa lugar.

USM Faculty House, ninakawan

(USM, Kabacan, North Cotabato/ June 19, 2013) ---Natangay ng mga magnanakaw ang humugit kumulang sa Limang libung cash makaraang ninakawan ang Faculty House na nasa loob ng USM Main campus.

Sa panayam ng DXVL News sa staff ng FA posible umanong dumaan sa likurang bahagi ng pintuan ang di pa nakilalang salarin.

University Orientation sa USM gagawin ng dalawang araw

(USM, Kabacan, North Cotabato/ June 19, 2013) ---Gagawin ngayong ang University Orientation sa mga mag-aaral ng University of Southern Mindanao alas 7:00 hanggang alas 8:00 ng umaga sa university Gymnasium.

Batay sa programa ng Office of the student Affairs at University Guidance Center dalawang araw gagawin ang orientation.

USM HRMO Dir. Alpas, nananatiling nasa ICU; seguridad sa kanya mas hinigpitan

(Kidapawan City/ June 19, 2013) ---Nananatiling nasa intensive care unit (ICU) ng Kidapawan Medical Specialist Hospital sa Kidapawan City ang 45-anyos na head ng human resource development office ng University of Southern Mindanao (USM) na si Dr. Cynthia Alpas, dahil sa tindi ng tama ng bala na tinamo nito nang barilin siya ng ‘di kilalang gunman noong Linggo ng hapon.
      
Ayon sa surgeon ng ospital na si Dr. Rodrigo Duarte, tumagos ang bala ng kalibre 45 na pistola sa likurang bahagi ng tiyan ng biktima na bumaba hanggang sa may bandang tuhod nito.

2 katao huli dahil sa illegal possession of firearms sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ June 19, 2013) ---Huli sa checkpoint ng Task Force Cotabato ang dalawa katao matapos makuhanan ng di lisensyadong baril sa may national highway ng Kidapawan City, kamakalawa.
      
Kinilala ng Kidapawan City PNP ang mga inaresto na sina Rey Manzano, 40, isang seaman at taga-Barangay Batasan, Makilala, at ang driver ng Toyota Revo na si Nestor Nable Orongon, 59, na taga-Apo Sandawa Homes Phase 2 ng Kidapawan City.
      

USM granary, muntik ng maabo!

(USM, Kabacan, North Cotabato/ June 19, 2013) ---Muntik ng masunog ang USM granary na nasa loob ng University of Southern Mindanao alas 12:00 ng hatinggabi.

Ayon kay Fire Senior Inspector Ibrahim Guiamalon, posible umanong natupok ng apoy ang nasabing gusali kung di agad nakaresponde ang kanyang tropa.

Operasyon ng USM, balik normal na

(Kabacan, North Cotabato/ June 18, 2013) ---Matapos ang ilang araw na paralisado ang operasyon ng University of Southern Mindanao o USM Main campus.

Balik na ngayon sa normal ang sitwasyon ng paaralan.

Administrative key official’s ng USM, nagkaroon ng rigodon

(USM, Kabacan, North Cotabato/ June 18, 2013) ---Nagkaroon ng palitan o rigodon sa hanay ng mga administrative key officials ng University of Southern Mindanao, batay sa bagong special orders na inilabas.

Ang special order ay noon pang Hulyo a-13 nai-served sa kinauukulan na pirmado ni Leave of Absence President Dr. Jesus Antonio Derije isang araw bago na lift ang election ban.

Sagupaan ng mga magsasaka at rebeldeng grupo sumiklab sa Tulunan, Cotabato, isa patay

(Tulunan, North Cotabato/ June 17, 2013) ---Isa na ang patay sa panig ng mga magsasaka matapos mkiapgsagupaan ang mga ito sa mga pinaniniwalaang Moro Islamic Liberation Front o MILF sa Sitio Barko-barko, Brgy. Maybula, Tulunan, Cotabato kahapon.
 
Photo courtesy by: Ralph Ryan Rafael
Ito ang nabatid sa report ng pulisya kung saan kinilala ang napaslang na magsasaka na si Dondon Palomo, residente ng nabanggit na lugar.
 
Sumiklab ang engkwentro ng dalawang grupo alas 5:00 ng madalking araw kahapon at hanggang ngayon ay patuloy pa ang mga panaka-nakang putukan sa magkabilang grupo.
 
Nagsilikas na ang maraming residente sa lugar dahil sa tensiyon.

Klase sa USM, balik na ngayong araw

(USM, Kabacan, North Cotabato/ June 17, 2013) ---Balik na ang klase sa University of Southern Mindanao ng libu-libong mag-aaral ng Pamantasan simula ngayong araw matapos na maipit dahil sa di pagkakasundo ng Pangulo ng USM at grupo ng mga raliyesta na nagnanais mapatalsik sa pwesto si Dr. Jesus Antonio Derije.

Ito makaraang mamagitan sa nasabing negosasyon nitong Biyernes si 2nd District Representative Nancy Catamco sa mga lider at organizers ng mga raliyesta.

HRMO ng USM, sugatan sa pamamaril

(Kabacan, North Cotabato/ June 17, 2013) ---Sugatan ang Human Resources Management Director ng University of Southern Mindanao makaraang pagbabarilin ng mga di pa nakilalang suspek sa may Uyangurine St., Poblacion, Matalam, Cotabato alas 6:40 kagabi.

Kinilala ng Matalam PNP ang biktima na si Dr. Cynthia Alpas, 45-anyos at residente ng nabanggit na lugar.