(Kidapawan City/ June 19, 2013) ---Nananatiling nasa intensive care unit (ICU) ng Kidapawan
Medical Specialist Hospital sa Kidapawan City ang 45-anyos na head ng human
resource development office ng University of Southern Mindanao (USM) na si Dr.
Cynthia Alpas, dahil sa tindi ng tama ng bala na tinamo nito nang barilin siya
ng ‘di kilalang gunman noong Linggo ng hapon.
Ayon sa surgeon ng
ospital na si Dr. Rodrigo Duarte, tumagos ang bala ng kalibre 45 na pistola sa
likurang bahagi ng tiyan ng biktima na bumaba hanggang sa may bandang tuhod
nito.
Tinamaan ng bala ang sikmura ng biktima.
Sumailalim na kahapon sa
mahaba at maselang surgical operation si Alpas – ilang oras makaraang ihatid
siya sa ospital.
Sa ngayon, ayon kay Dr.
Duarte, patuloy pa rin nila’ng mino-monitor ang kondisyon ni Dr. Alpas.
Si Alpas, batay sa
report ng Matalam Police, ay binaril habang pababa ng kanyang sasakyan sa may
Uyanguren St., Matalam, noong Linggo ng hapon.
Akma pa sanang babarilin
ng gunman si Alpas pero nakita raw siya ng ilang mga istambay sa kanto kaya’t
tumalilis ito ng takbo patungo sa naghihintay na motorsiklo na nakaparada,
ilang metro ang layo mula sa bahay ng biktima.
Agad humiling ang
officer-in-charge ng USM na si Atty. Christopher Cabilen ng security personnel
mula sa PNP para magbantay kay Dr. Alpas habang ginagamot ito sa ospital.
Binabantayan rin si
Alpas ng kanyang mga kaanak at ilang mga executives ng hospital. Dumalaw din
kahapon si retired USM VPAA Dr. Antonio Tacardon kasama ang kanyang may bahay
ni si Dr. Anita Tacardon, DXVL Station Manager.
Naganap ang pamamaril
kay Alpas isang araw makaraang sunugin ng ‘di kilalang mga suspect ang Toyota Fortuner
na pag-aari ni Director Orlando Forro, ang head ng Physical Plant and Services
ng USM.
Ayon kay Cabilen,
nabatid sa mga imbestigasyon ng Kabacan PNP na ‘intentional’ o sinadya ang
panununog.
Pero kung ang pamamaril
kay Alpas at pagsunog ng sasakyan ni Forro ay may kaugnayan sa katatapos lamang
na krisis sa USM, hindi pa batid ni Cabilen.
Sa ngayon, aniya,
naghihintay pa rin siya ng resulta ng imbestigasyon ng PNP sa naturang mga
kaso.
Nabatid na bago naganap
ang mga pangyayari’ng ito, kinasuhan ng negligence at dereliction of duty sa
Civil Service Commission (CSC) Region 12 ni USM President Dr. Jesus Derije ang
higit 80 mga empleyado ng USM.
Kinasuhan rin ng
sedition sa Regional Trial Court ni Derije ang 50 nilang mga empleyado at mga
estudyante, kasama ang 12 mga indibidwal, dahil sa diumano’y pagsisimula ng
gulo sa loob ng unibersidad.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento