Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Klase sa USM, balik na ngayong araw

(USM, Kabacan, North Cotabato/ June 17, 2013) ---Balik na ang klase sa University of Southern Mindanao ng libu-libong mag-aaral ng Pamantasan simula ngayong araw matapos na maipit dahil sa di pagkakasundo ng Pangulo ng USM at grupo ng mga raliyesta na nagnanais mapatalsik sa pwesto si Dr. Jesus Antonio Derije.

Ito makaraang mamagitan sa nasabing negosasyon nitong Biyernes si 2nd District Representative Nancy Catamco sa mga lider at organizers ng mga raliyesta.

Tumagal ang negosasyon ng dalawang araw.

Iprinisenta ni Catamco sa mga raliyesta noong Biyernes ang kopya ng leave of Absence ni Dr. Derije sa USM ng 29 na araw at ang memorandum order mula sa Office of Commissioner Patricia Licuanan ng CHED na magtatalaga ng Officer in charge habang naka-leave ang Pangulo.

Basi sa order, itinalaga ni Licuanan si Atty. Christopher Cabilen bilang OIC ng USM, ang chief legal officer ni Cong. Catamco.

Tiniyak naman ni Catamco sa mga raliyesta na habang naka-upo bilang OIC si Cabilen, ang imbestigasyon sa mga graft cases laban kay Dr. Derije ay mamadaliin nito.

Sa isinagawang press conference sa DXVL Radyo ng Bayan, sinabi ni Dr. Alimen Sencil, isa sa mga lider ng Oust Derije Movement na kanilang bubuksan ang mga gates sa USM kahapon habang ang USM main gate ay ngayong araw dahil may ceremonial opening ang ilang mga raliyestang mga mag-aaral ngayong araw.

Samantala, ipapakalat naman sa loob at labas ng USM main campus ang peace keeping forces ng Regional Mobile Forces ng PNP na nakabase sa General Santos city.

Sinabi naman ni PNP 12 Regional Director, chief Supt. Charles Calima na ang deployment ng tropa ay pagtitiyak sa seguridad hindi lamang ng mga estudyante, usm faculty and staff kundi maging ng mga raliyesta.

Nakibahagi din sa nasabing negosasyon si Brig. Gen. Cesar Sedillo, head ng government’s Committee on the Cessation of Hostilities.

Nabatid na abot rin sa anim na buwang putol-putol ang klase sa USM matapos na isara ang ilang mga lagusan ng pamantasan na ang hangarin ay pababain sa pwesto ang pangulo ng Pamantasan matapos ang diumano’y anomalyang kinasasangkutan ng Pangulo at pag-abuso sa kanyang kapangyarihan. (Rhoderick Beñez)






0 comments:

Mag-post ng isang Komento