Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

USM OIC, nagpalabas ng Status Quo

(USM, Kabacan, North Cotabato/ June 20, 2013) ---Bumuo ng University Peace and Order Council ang bagong talagang Officer in charge ng University of Southern Mindanao na si Atty. Christopher Cabilen, batay sa bagong memorandum na kanyang inilabas kahapon.

Sinabi ng opisyal sa panayam sa kanya ng DXVL News kaninang umaga na ginawa nito ang nasabing hakbang dahil wala umano siya’ng sapat na panahon para pag-aralan ang pagpapatakbo sa unibersidad.


Ang nasabing advisory ay magiging team nito na magbibigay ng positibong opinyon bago gagawa ang Office of the OIC ng anumang hakbang.

Sinabi rin ni Cabilen na kanya na ring inireport kay Commission on Higher Education Commissioner Patricia Licuanan ang kanyang binuong team sa katauhan nina Dr. Emma Sales, Dr. Lorna Valdez, Dr. Palasig Ampang at Dr. Francisco Gil “Iko” Garcia.

Samantala, nag palabas naman kahapon ng status quo order ang OIC kungsaan mananatili ang designation ng June 12, 2013 na imintina ang kanilang katungkulan sa pamamahala ng Pamantasan.


Kinatigan naman ni Dr. Alimen Sencil ang pahayag ng OIC sa kanyang pagbibigay ng impression at reaksiyon sa mga ginagawang hakbang ngayon ng Officer In-Charge ng USM. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento