Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

USM granary, muntik ng maabo!

(USM, Kabacan, North Cotabato/ June 19, 2013) ---Muntik ng masunog ang USM granary na nasa loob ng University of Southern Mindanao alas 12:00 ng hatinggabi.

Ayon kay Fire Senior Inspector Ibrahim Guiamalon, posible umanong natupok ng apoy ang nasabing gusali kung di agad nakaresponde ang kanyang tropa.
Nabatid na mga lumang tire na nasa paligid ng USM granary ang nasunog.

Wala pang report ang Kabacan Fire kung sinadya o hindi ang nasabing sunog habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon.

Ang nasabing insedente ay nakarating na rin sa kaalaman ni OIC Atty. Christopher Cabilen, sa panayam sa kanya ng DXVL News. 

Kaugnay nito, may mga kumakalat na text messages na wag umanong ilabas sa mga media reports ang nasabing balita, batay sa inilabas na direktiba ni OIC Cabilen.

Sa panayam sa opisyal sinabi nitong ang mga maseselang isyu sa Pamantasan na makakadiskarel sa binubuong Peace negotiation dapat na idaan muna sa kanyang tanggapan kung ito ba ay makakatulong sa paglutas sa gusot o baka lalo pang magkahati-hati sa mga taga-USM. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento