Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sagupaan ng mga magsasaka at rebeldeng grupo sumiklab sa Tulunan, Cotabato, isa patay

(Tulunan, North Cotabato/ June 17, 2013) ---Isa na ang patay sa panig ng mga magsasaka matapos mkiapgsagupaan ang mga ito sa mga pinaniniwalaang Moro Islamic Liberation Front o MILF sa Sitio Barko-barko, Brgy. Maybula, Tulunan, Cotabato kahapon.
 
Photo courtesy by: Ralph Ryan Rafael
Ito ang nabatid sa report ng pulisya kung saan kinilala ang napaslang na magsasaka na si Dondon Palomo, residente ng nabanggit na lugar.
 
Sumiklab ang engkwentro ng dalawang grupo alas 5:00 ng madalking araw kahapon at hanggang ngayon ay patuloy pa ang mga panaka-nakang putukan sa magkabilang grupo.
 
Nagsilikas na ang maraming residente sa lugar dahil sa tensiyon.
 
Sinabi ni Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza na inaangkin umano ng rebeldeng grupo ang sitio Barko-barko na lupang sinasaka ng taga Brgy. Maybula.
 
Hinarass umano ng mga MILF ang mga magsasaka at kinuha ang kanilang mga pananim na saging, palay, mais, oil palm at maging ang kanilang alagang hayop dahilan kung bakit nakipaglaban ang mga magsasaka sa mga ito.
 
Boundary conflict ang isa sa mga anggulong tinitingnan ng mga otoridad pero sa panig ng MILF, land grabbing umano ang dahilan ng naturang kaguluhan. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento