(Amas, Kidapawan city/ June 21,
2013) ---Isang premature na
sanggol na ipinanganak 30 linggo ang ideneklarang patay ng mga staff ng Cotabato
Provincial Hospital, Amas, Kidapawan City ang iniulat na nabuhay.
Ang sanggol na babae ay
ipinanganak sa pamamagitan ng normal delivery alas 7:30 ng umaga noong linggo,
ayon sa kanyang kamag-anak na kinilalang si Janet Rinsulat.
Ayon kay Rinsulat,
sinabihan sila ng staff ng mga ospital na ginawa nila ang lahat para ipanganak
ng buhay ang sanggol pero bigo sila, ito dahil sa di na umano umiyak at di na rin
humihinga ng isilang ang sanggol.
Matapos ang ilang oras,
inilagay ang sanggol sa isang carton at ibinigay sa kanyang kamag-anak.
Pero, sinabi ni Rinsuat
kay Mia, isa sa mga kapamilya nila na inatasang maghintay ng funeral car sa
labas ng ospital na nagtaka ito ng makarinig ng iyak ng sanggol.
Ang umiiyak na bata ayon
sa report ay galing sa carton kungsaan inilagay ang sanggol na binawian ng
buhay.
Agad naman nilang
ibinalik ang baby sa emergency room.
Ilang oras ang nakakaraan,
inilagay ng mga staff ng ospital ang sanggol sa incubation room o sa Neo-Natal
Intensive Care Unit, ito dahil ang sanggol ay premature.
Pero ang mga kamag-anak
ng sanggol, partikular na si Genalyn Rosales, ang mismong tiyahin ay may
reklamo sa diumanoy di maayos na pagtrato sa sanggol sa incubation room.
Ito dahil sa di maayos
ang pagkabit ng hose ng oxygen sa ilong ng sanggol dahilan kung bakit di ito
makahinga ng maayos.
Kanila na ring inireport
sa local police ang nasabing pangyayari.
Ayon kay Dr. Eva Rabaya
ang assistant chief ng cotabato Provincial Hospital, kanila lang
paiimbestigahan ang nasbaing insedente. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento