(Midsayap,
North Cotabato/ June 20, 2013) ---Nagsumite ng sulat kahilingan sa opisina ni
Rep. Jesus Sacdalan ang pamahalaang pambarangay ng Nabundas sa bayan ng Pikit,
North Cotabato.
Partikular
na nakasaad sa nasabing dokumento ang kahilingang mapondohan ng Department of
Transportation and Communication o DOTC ang pagtatayo ng isang municipal fish
port sa lugar.
Agad
naman itong inendorso ng opisyal kay DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya para sa
karampatang aksyon.
Magiging
malaking pakinabang ang isang municipal fish port hindi lamang sa mga residente
ng Barangay Nabundas ngunit sa mga katabing komunidad nito na umaasa sa
panghuhuli ng isda sa ilog at Liguasan marsh.
Ito
rin ang inaasahang pangunahing pasilidad na gagamitin ng mga residente sa lugar
bago dalhin ang kanilang mga produkto mula sa marsh patungo sa pamilihang
bayan.
Sinabi
ni Engr. Jerry Pieldad na isinusulong din ng tanggapan ng Unang Distrito ng
North Cotabato na mabigyang prayoridad ng DOTC ang konstruksyon ng tig-isang
municipal fish ports sa mga bayan ng Midsayap at Pigcawayan partikular sa erya
ng Liguasan marsh. (Roderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento