(Midsayap,
North cotabato/ June 20, 2013) ---Nagpapatuloy ang gawain ng Department of
Public Works and Highways o DPWH sa Lalawigan ng North Cotabato kaugnay ng mga
pangunahing proyekto na nais nilang ipatupad sa taong ito.
Tinukoy
ni District Engineer Doroteo Ines Jr. ang karagdagang P340 M proposed
infrastructure programs para sa unang distrito ng lalawigan.
Kabilang
dito ang pagsasaayos ng 9.45 kilometrong kalsada sa Malitubog-Tambunan Section
at concreting ng 4.9 kilometrong kalsada sa Agoo Section sa kahabaan ng
Banisilan-Guiling,Alamada-Libungan Road na abot sa tig- P125 Milyon na proposed
budget.
Kabilang
din sa nais mapondonhan ng DPWH ay ang concreting of 372.8 meter- road sa
Raradangan Bridge section na nasa bahagi naman ng Barangiran-Dado-Dulao
Agri-Tourist Road.
Mangangailangan
ito ng pondong P40 M.
Samantala,
abot sa P50 M ang kakailanganin upang maipatupad ang konstruksyon ng Tunggol
River Bank Protection sa kahabaan ng Davao-Cotabato road.
Una
nang isinumite ng Cotabato Second Engineering District Office sa opisina ng
Unang Distrito ng North Cotabato ang mga proyektong pang-imprastraktura para sa
fiscal year 2013.
Sisikapin
naman umano ng tanggapan ng unang distrito na ilatag ang proposed projects na
ito para sa karampatang aksyon ng pamahalaang nasyunal. (Roderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento