(USM, Kabacan, North
Cotabato/ June 19, 2013) ---Natangay ng mga magnanakaw ang humugit kumulang sa
Limang libung cash makaraang ninakawan ang Faculty House na nasa loob ng USM
Main campus.
Sa panayam ng DXVL
News sa staff ng FA posible umanong dumaan sa likurang bahagi ng pintuan ang di
pa nakilalang salarin.
Ang perangnakulimbat
ay collection ng Review Center sa ilalim ng pamamahala ng Faculty Association.
Maliban sa cash wala
namang mga mahahalagang gamit o dokumento ang nawala sa nasabing tanggapan.
Nangyari ang
insedente noong linggo, ayon sa staff ng FA. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento