(Midsayap, North Cotabato/ June 20, 2013)
---Umaalma ngayon ang ilang van drivers at operators hinggil sa umano'y paghuli
sa kanila tuwing kumukuha sila ng pasahero sa crossing papasok sa downtown area
ng Poblacion, Midsayap, North Cotabato.
Ayon sa report, problema para sa mga driver
ng van ang paghuli sa kanila ng mga myembro ng Midsayap PNP traffic management
group na may rutang Cotabato-Midsayap na kumukuha ng pasahero sa crossing
patungong Poblacion proper.
Anila, wala umanong natatanggap na
memorandum ang kanilang grupo at hindi rin sila tinawag para sa isang
pagpupulong kaugnay sa ipinapatupad na ordinansa sa bayan.
Dagdag pa ng van operator, ang paghuli sa
kanilang mga driver ay kasunod ng pagbubukas ng bagong Public Terminal ng
Midsayap sa Barangay Sadaan ng bayan.
Bagama't bukas na ito sa publiko, maraming
pa ring pasahero ang nag-aabang sa crossing Midsayap dahil abot umano sa 30
piso ang sinisingil ng ilang tricycle drivers sa mga pasaherong tutungo sa
bagong terminal.
DEPENSA naman ni Midsayap PNP Chief, Senior
Insp. Henry Narciso, naipabatid na ng lokal na pamahalaan ng Midsayap sa lahat
ng bus at van drivers at operators ang bagong ordinansang ipinapatupad sa
bayan.
Ito aniya ay ang Municipal Ordinance number
209 na nagbabawal sa mga bus at van drivers na kumuha ng pasahero sa crossing
Midsayap.
Naniniwala din si Narciso na ipinatawag na
ng Sangguniang Bayan ng Midsayap ang mga van at bus operators at driver upang
pag-usapan ang ordinansa.
Tugon naman ni Narciso sa mahal na singil sa
pasahe patungo sa bagong terminal ng bayan, hahanapan ito ng solusyon ng
pulisya at Sangguniang Bayan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento