Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit 7 libung mga pamilya, apektado ng pagbaha sa Kabacan, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ June 20, 2013) ---Abot sa 7,204 ang kabuuang pamilya na naapektuhan ng mga pagbaha sa bayan ng Kabacan makaraang bumuhos ang malakas na pag-ulan nitong Hunyo a-13.

Batay sa pinakahuling report ni Social Welfare Officer Susan Macalipat, Incident Commander ng MSWDO labing apat na mga brgy ang naapektuhan ng nasabing pagbaha makaraang umapaw ang tubig mula sa Pulangi river.

Kasama ng MSWDO ang Municipal Agriculture Office sa isinagawang ocular inspection kungsaan malubhang tinamaan ng pagbaha ang Brgy. Kayaga kasama na dito ang Lumayong Elementary School, Lumayong High School, Malabuaya elementary School at Kayaga Brgy. Hall bukod pa sa ilangmga pamamahay na lubog din sa tubig baha.

Abot naman sa 342 na mga pamilya ang naapektuhan ng pagbaha sa brgy. Poblacion.

Samantala binaha din ang Brgy. Salapungan kasama na dito ang Datu Mantawil Memorial Elementary School at Salapungan Brgy. Hall.

Maliban dito, binaha din ang brgy. Pedtad, Magatos, Aringay, Malamote, Malanduage, Upper Paatan, Cuyapon, Nangaan, Buluan, Kilagasan at Katidtuan.

Kaugnay nito, patuloy naman ang pamimigay tulong ngayon ng MSWDO kasama ng LGU Kabacan sa mga pamilyang naapektuhan ng nasabing kalamidad.

Kabilang sa mga relief goods na ipinamahagi ng pamahalaang lokal sa mga naapektuhang pamilya ay ang 3 kilo ng bigas, sardinas, noodles, asukal, kape.


Nagmigay din ng tulong ang provincial government kasama na ang trapal para sa mga residenteng nagsilikas sa kanilang pamamahay. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento