(Kabacan, North Cotabato/ June 18, 2013) ---Matapos
ang ilang araw na paralisado ang operasyon ng University of Southern Mindanao o
USM Main campus.
Balik na ngayon sa normal ang sitwasyon ng
paaralan.
Kahapon ng umaga tinungo ni Cotabato Gov.
Emmylou “Lala” Talino Mendoza ang ceremonial opening ng USM Main gate bilang
hudyat ng nalagpasan ng institusyon ang krisis na kinakaharap nito.
Matapos ang maikling programa, agad na
pinulong ng gobernadora ang mga raliyesta kasama ang alkalde ng Buluan na si Mayor
Jung Magudadatu.
Suportado naman umano ni Board Member Dulia
Sultan sa Sangguniang Panlalawigan ang resolusyon na kanilang ihahain batay
naman sa panawagan ng mga gurong raliyesta at estudyante.
kahapon binabalangkas na nila ang nasabing
resolusyon upang maisalang na ito ngayong araw sa deliberasyon sa Sangguniang
Panlalawigan, ayon sa report.
Pero ayon sa gobernadora kapwa mananagot ang
mga raliyesta sa pagkakabalam ng klase sa Pamantasan at mananagot din ang
Pangulo sa mga ibinabatong aligasyon laban sa kanya.
Tinukoy pa ng gobernadora na paiimbestigahan
nito ang magkahiwalay na insedente ng panununog sa sasakyan ni Director Orlando
Forro at pamamaril kay HRMO Director Dr. Cynthia Alpas.
Ayon sa pinakahuling report na nakalap ng
DXVL News, si Dr. Alpas ay nasa mabuti na umanong kalagayan habang patuloy na
nagpapagaling ngayon sa Kidapawan Medical Specialist Center. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento