Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

67-anyos na negosyante patay sa panghohold-up sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/July 14, 2012) ---Dead on the spot ang isang 67-anyos na negosyante matapos na pagbabarilin ng mga di pa nakilalang mga suspek gamit ang di pa matuloy na uri ng baril sa nangyaring pang-hohold-up sa isang tindahan sa Maria Clara Extension at Roxas St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 5:10 ngayong hapon lamang.

Mahigit sa 40 na mga illegal sliced lumbers; nakumpiska ng Carmen PNP

(Carmen, North Cotabato/July 13, 2012) ---Abot sa 1,225 boardft. na mga illegally sliced lumbers ang nakumpiska ng mga elemento ng Carmen PNP sa Sitio Kampo, Brgy. Malapag, Carmen, North Cotabato nitong Miyerkules.

Ayon kay PCI Jordine Maribojo, hepe ng Carmen PNP ang pagkakakumpiska ng nasabing mga illegal na troso ay dahil sa kanilang nagpapatuloy na kampanya kontra illegal logging sa lugar.

Pagtaas ng tuition at miscellaneous fee sa isang pribadong paaralan sa North Cotabato; inirereklamo ng mga magulang at estudyante

(Kidapawan City/July 13, 2012) ---Inirereklamo ng ilang mga estudyante at mga magulang ang umano biglaang pagtaas sa tuition at miscellaneous fee ng Central Mindanao Colleges o CMC – ang premier private tertiary education sa Kidapawan City.
         
Ayon sa mga complainant, nagtaas ng tuition ang CMC nang ‘di dumaan sa konsultasyon.
         
Kinuwestyun din nila ang kawalan ng student handbook.

Misis mula sa Kidapawan city; nirereklamo ang PAG-IBIG hinggil sa pagbawi ng titulo mula sa original na borrower ng Housing unit

(Kidapawan City/July 13, 2012) ---Agad inaksyunan ng PAG-IBIG ang reklamo ng isang Mrs. Lucilla Matundin nang bawiin nito ang ibinigay na titulo ng lupa sa isang Vicente Calayca, ang orihinal na borrower ng isang housing unit sa Phase 2 Sandawa Homes.

8-taong gulang na estudyante; sugatan matapos na masangkot sa aksidente sa highway ng Kidapawan City

(Kidapawan City/July 13, 2012) ---Sugatan ang walong taong gulang at estudyanteng si Ana Marie Galbe na taga Tamesis st. Kidapawan city matapos na aksidenteng mabunggo ng isang namamasadang trisikel na may KD-# 1-1862 na minamaneho ni Wilson Rigue na taga Barangay mateo Kidapawan City.

Naganap ang aksidente kahapon banda alas dose y medya ng tanghali sa may Villamarso St. ng lungsod.

Task Force Krislam, ilulunsad sa Kabacan; giyera kontra illegal na droga; ikakasa!

(Kabacan, North Cotabato/July 13, 2012) ---Inilatag na ng Cotabato Provincial Police Office ang iba’t-ibang programa hinggil sa ilulunsad na Task Force Krislam sa araw ng Sabado, Hulyo a-katorse, 2012 sa Purok, Chrislam, Brgy. Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Ayon kay Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP, may mga inihanda silang programa sa umaga kungsaan magsasalita ang iba’t-ibang mga stakeholders mula sa sektor ng kabataan, akademya, brgy officials, LGU, PNP, kasama na dito ang Regional Director ng PDEA-12 Aileen Lovitos, 1st district Board Member Ernesto Concepcion at iba pa.

Bayan ng Pikit, nakatanggap ng Tatlumput isang multicab at limang bagong gusali mula sa TUCP at Cotabato Provincial Office

(Pikit, North Cotabato/July 13, 2012) ---Tatlumput isang baranggay sa Pikit , North Cotabato ang nakatanggap ng tig-iisang multicab  na mula sa Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).

Sa mensahe ni Cotabato Governer Emmylou “lala” Taliño-Mendoza sa turn over ceremony ng mga nabanggit na multicab, binigyang diin nito na ang mag sasakyan ay hindi para sa pamamasyal sa mga malls at beach kundi  gagamitin ito tuwing may mga biglaang kaso gaya ng pagsugod ng pasyente sa Ospital o kung may mga pagbaha at relief operations.

Bangkay na natagpuan sa Magpet, North Cotabato kilala na; pero hindi umano ito estudyante ng USM


(Magpet, North Cotabato/July 13, 2012) ---Mismong ang kamag-anak ng biktima ang kumilala sa bangkay na natagpuan sa isang kanal sa may Barangay Kamada sa bayan ng Magpet, North Cotabato.
         
Kinilala ni Sr. Insp. Orly Ocumen, hepe ng Magpet PNP, ang bangkay na si Talahudin Naway, 28, ng Barangay Rajamuda, Pikit na sinasabing estudyante ng University of Southern Mindanao.

Pero, batay sa record ng ICTC-USM, sinabi ni Alvin Mibalo na wala silang record sa pangalan ni Talahudin Naway na nag-patala ngayong semester.

3 katao huli sa isinagawang buybust operation ng pinagsanib na pwersa ng Pulisya sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/July 12, 2012) ---Arestado ang tatlo katao sa isinagawang buybust operation ng pinagsanib na pwersa ng Kabacan PNP at Cotabato Police Public Safety Company sa 406 Tandang Sora St., Poblacion, Kabacan alas 12:10 kahapon ng tanghali.

Kinilala ni P/Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP ang mga nahuli na sina Eduardo Jimenez alias “Tornick”, 54, may asawa at residente ng nabanggit na lugar; Junric Garcia Daut, 30, may asawa, technical Consultant ng San Miguel Food at residente ng Ricarte St., Poblacion, Kabacan at isang Erlita Naval Mactol, 40, single Mom, Secretary ng Geodetic Engr. Teodoro Camban, residente ng JC Complex, Purok 4, Brgy. Lanao, Kidapawan City.

WAR against illegal drugs, ikakasa sa Kabacan

MILGOO: Jasmin Musaid
(Kabacan, North Cotabato/July 12, 2012) ---Naniniwala si P/SSupt. Cornelio Salinas na ang ilulunsad nilang Oplan Krislam ay solusyon para mabuwag ang talamak na illegal na droga sa bayan ng Kabacan.
Ayon sa opisyal number one ang Kabacan sa buong probinsiya ng North Cotabato sa mga nagsusuply ng illegal na droga partikular na ang shabu.

SSupt. Cornelio Salinas
Kaugnay nito, ilulunsad nila ang giyera na tatawaging total war against illegal drugs in North Cotabato kungsaan una nilang tutukan ang Purok Krislam dito sa bayan ng Kabacan kaugnay sa kampanyang ito.

Ginawa ng opisyal ang pahayag sa isinagawang emergency Municipal Peace and Order Council meeting o MPOC kahapon ng hapon na dinaluhan ng ilang mga lokal na opisyal ng bayan na pinangungunahan ni Vice Mayor Pol Dulay, mga heads of office ng LGU at ilang mga regular na miembro ng MPOC.

Mga nagtitinda ng Lumberyard sa Kabacan na walang permit; napipintong ipasara


CPPSC Supt. Alex Tagum
(Kabacan, North Cotabato/July 12, 2012) ---Karamihan sa mga ni raid ng mga kagawad  ng Pambansang Pulisya sa mga nagtitinda ng lumberyard sa Kabacan, kamakailan ay walang mga permit buhat sa pamunuan ng Department of Environment and Natural Resources o DENR.

Kaya ang mga ito ay nahaharap sa kasong paglabag sa illegal logging.

Peace and development dialogue, isinagawa sa North Cotabato 1st District


(Midsayap, North Cotabato/July 12, 2012) ---Pinangunahan ni North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan ang dalawang araw na peace and development dialogue na isinagawa sa CJNS Kapayaapaan Hall, Midsayap, Cotabato.

Dinaluhan ito ng mga barangay leaders at municipal officials mula sa mga bayan ng Pigcawayan, Libungan at Midsayap.

Business sector sa N.Cotabato 1st District, makaka-asa sa maayos na peace and order- Cong Sacdalan

(Midsayap, North Cotabato/July 12, 2012) ---Tiniyak ngayon ni North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan na nasa maayos na kalagayan ang peace and order sa distritong kanyang nasasakupan.

Sinabi ito ng opisyal sa mga negosyanteng kasapi ng iba’t- ibang chambers of commerce and industry ng Midsayap, Libungan at Pigcawayan na dumalo sa ikalawang araw ng peace and development dialogue sa tanggapan ng kongresista.

11 mga preso kasama si Kumander “Lastikman”, pumuga sa Maguindanap provincial jail

(Cotabato City/July 10, 2012) ---Labing isang preso ang nakatakas mula sa Maguindanao Provincial Jail dakong 1:30 ng madaling araw kanina sa lungsod ng Cotabato.

Ayun kay Cotabato City Police Director SSupt Danny Reyes kabilang sa mga nakatakas ay si Datucan Samad alyas Kumander Lastikman.