Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit sa 40 na mga illegal sliced lumbers; nakumpiska ng Carmen PNP

(Carmen, North Cotabato/July 13, 2012) ---Abot sa 1,225 boardft. na mga illegally sliced lumbers ang nakumpiska ng mga elemento ng Carmen PNP sa Sitio Kampo, Brgy. Malapag, Carmen, North Cotabato nitong Miyerkules.


Ayon kay PCI Jordine Maribojo, hepe ng Carmen PNP ang pagkakakumpiska ng nasabing mga illegal na troso ay dahil sa kanilang nagpapatuloy na kampanya kontra illegal logging sa lugar.

Nabatid na abot sa 49 na piraso ng mga troso mula sa iba’t-ibang klase ng kahoy ang kanilang nasabat sa pakikipag-tulungan na rin ng mga local na opisyal doon.

Agad namang dinala ang nasabing mga kahoy sa himpilan ng Carmen PNP, para sa tamang disposasyon.

Kung matatandaan, talamak din ang nasabing gawain sa bayan ng Kabacan, partikular sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Pisan kungsaan pinuputol ng mga sindikatong tao ang mga naturally grown na puno doon kagaya ng Molave.

Ang naturang hakbang ng mga otoridad ay mas pina-igting kasabay na rin ng deriktiba ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza at ang ipinapatupad na total log ban ng Administrasyong Aquino. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento