Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Task Force Krislam, ilulunsad sa Kabacan; giyera kontra illegal na droga; ikakasa!

(Kabacan, North Cotabato/July 13, 2012) ---Inilatag na ng Cotabato Provincial Police Office ang iba’t-ibang programa hinggil sa ilulunsad na Task Force Krislam sa araw ng Sabado, Hulyo a-katorse, 2012 sa Purok, Chrislam, Brgy. Poblacion, Kabacan, Cotabato.


Ayon kay Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP, may mga inihanda silang programa sa umaga kungsaan magsasalita ang iba’t-ibang mga stakeholders mula sa sektor ng kabataan, akademya, brgy officials, LGU, PNP, kasama na dito ang Regional Director ng PDEA-12 Aileen Lovitos, 1st district Board Member Ernesto Concepcion at iba pa.


Agad namang susundan ang nasabing programa ng Joint Signing of Covenant for Anti-illegal Drugs Campaign na pangungunahan ni Cotabato Provincial Director P/SSupt. Cornelio Salinas.

Bukod dito, magsasagawa din sila ng Medical Outreach Activity na pangungunahan ni IPHO at Rural Health Unit ng Kabacan na pinamumunuan ni Dr. Sofronio Edu, Jr., Supplemental Feeding at pamimigay ng mga tsinelas sa mga bata.

Ang Task Force Chrislam ay bahagi ng programa ng Cotabato Provincial Police Office bilang WAR AGAINST Illegal Drugs sa North cotabato.

Nabatid na ang bayan ng Kabacan sa North Cotabato ang numero uno sa listahan kung illegal drugs ang pag-uusapan, ayon kay Senior Supt. Salinas. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento