(Magpet, North Cotabato/July 13, 2012)
---Mismong ang kamag-anak ng biktima ang kumilala sa bangkay na natagpuan sa
isang kanal sa may Barangay Kamada sa bayan ng Magpet, North Cotabato.
Kinilala ni Sr. Insp. Orly Ocumen,
hepe ng Magpet PNP, ang bangkay na si Talahudin Naway, 28, ng Barangay
Rajamuda, Pikit na sinasabing estudyante ng University of Southern Mindanao.
Pero, batay sa record ng ICTC-USM,
sinabi ni Alvin Mibalo na wala silang record sa pangalan ni Talahudin Naway na
nag-patala ngayong semester.
Bandang alas-345 kamakalawa ng hapon,
dumating sa istasyon ng Magpet PNP ang tiyahin ng biktima na kinilalang si
Junaida Maswal na taga-Pikit.
Kasama ni Maswal na nagtungo sa bayan
ng Magpet si Ms. Tahira Talantongan, ang coordinator ng Disaster Risk Reduction
Management Council ng bayan ng Pikit. Sinabi ni Ocumen na noon pang Linggo
nai-report ang pagkawala ni Naway.
Ang alam ng mga kaanak ay may
kinatagpo na babae dito sa bayan ng Kabacan ang biktima. Duda nila, kasintahan
ng lalaki, Pero ‘di na raw ito nakabalik.
At laki’ng gulat nila nang marinig sa
report na may bangkay na natagpuan sa Magpet na ang pagkakalarawan ay tumugma
sa kanilang kaanak.
WALA
NAMANG
maisip na dahilan ang mga kaanak ng biktima para ito patahimikin.
Si Naway ay nagtamo ng anim na tama
ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan, base sa resulta ng post-mortem
examination. (MCM)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento