Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

11 mga preso kasama si Kumander “Lastikman”, pumuga sa Maguindanap provincial jail

(Cotabato City/July 10, 2012) ---Labing isang preso ang nakatakas mula sa Maguindanao Provincial Jail dakong 1:30 ng madaling araw kanina sa lungsod ng Cotabato.


Ayun kay Cotabato City Police Director SSupt Danny Reyes kabilang sa mga nakatakas ay si Datucan Samad alyas Kumander Lastikman.

Nilagare ng mga bilanggo ang bakal sa kanilang CR,umakyat sa pader,dumaan sa puno ng niyog palabas sa Maguindanao Provincial Jail.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang pagtugis ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Marines,pulisya,BJMP at 6th Infantry Division ng Phil.Army sa mga tumakas na preso.

Bago lang dalawa sa mga tumakas na bilanggo ay nahuli sa Tukananes area sa lungsod ng Cotabato na nakilalang sina Basco Puas at Boy Usop.

Matatandaan na tangkang i-rescue si Lastikman ng kanyang mga kasamahan sa Kidapawan City Jail kung saan dalawa ang nasawi at labing pito ang nasugatan ng magpasabog ang mga rebelde kasabay ng kanilang pagtakas.

Binasura ang kaso ni Lastkman ni Judge George Jabido dahil sa kakulangan ng ebedensya ngunit di pa rin ito nakalabas dahil sa kasong multiple murder,extortion at robbery hold-up na kinahaharap nito sa lalawigan ng Maguindanao.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento