Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

8-taong gulang na estudyante; sugatan matapos na masangkot sa aksidente sa highway ng Kidapawan City

(Kidapawan City/July 13, 2012) ---Sugatan ang walong taong gulang at estudyanteng si Ana Marie Galbe na taga Tamesis st. Kidapawan city matapos na aksidenteng mabunggo ng isang namamasadang trisikel na may KD-# 1-1862 na minamaneho ni Wilson Rigue na taga Barangay mateo Kidapawan City.


Naganap ang aksidente kahapon banda alas dose y medya ng tanghali sa may Villamarso St. ng lungsod.


Sa report mula sa Kidapawan City PNP traffic section bigla ‘di umanong tumawid ang biktima sa kalsada kayat ‘di ito namalayan ng driver at nabunggo nya ito.

Sa naturang aksidente ay nagtamo ng galos sa ibat’ ibang parte ng katawan ang menor-de-edad na biktima na agad namang isinugod sa isang bahay pagamutan sa lungsod para malapatan ng lunas.

Samantala sa ibang mga balita… Agad na isinugod sa isang bahay pagamutan sa lungsod ng kidapawan ang angkas ng isang motorsiklo na kinilalang si Raffy Ombina, 26 ng Barangay Kiab Antipas banda alas dos ng madaling araw kahapon.

Ayon sa report, aksidenteng na hit-and-run ang sinasakyang nitong isang Honda XRM 125 na motorsiklo na minamaneho ni Epraim Tolentino na residente rin ng naturang lugar ng isang four wheel na sasakyan.

Ang motorsiklo ay mula sa downtown ng Kidapawan City papunta ng Antipas at pagdating sa may Barangay Lanao ay doon na naganap ang ‘di inaasahang aksidente.
Sa aksidente ay bumaliktad sa highway ang motorsiklo ng mga biktima na nagresulta sa pagkakasugat ng angkas ng ng motorsiklo na agad namang isinugod sa isang pagamutan para malapatan ng lunas.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento